Alam Mo Ba ang Pinagdaanan ni Jesus?
kahapon napag-usapan natin ang isang mahalagang ginawa ng cross ni Jesus: His death on the cross reconciled us to Him, and made us clean and holy before God’s eyes. Pero alam mo ba kung ano ang totoong nangyari sa cross? Kung ano ang kinailangan Niyang pagdaanan para magawa Niya ito?
Let’s start by reading this passage:
At sa pagiging tao niya,nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan,maging sa kamatayan sa krus. (Mga Taga-Filipos 2:8 ASD)
This tells us that Jesus humbled Himself, first by becoming man, becoming like us, and then all the way to His death on the cross. Ano nga ba ang pinagdaanan Niya papunta sa cross? Let’s read the following passage:
Dinala ng mga sundalo si Hesus sa loob ng palasyo ng gobernador, at nagtipon ang buong batalyon ng mga sundalo sa paligid niya. Hinubaran nila siya at sinuotan ng pulang kapa. Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang isang tungkod sa kanyang kanang kamay. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Hudyo!” Dinuraan nila si Hesus at kinuha ang tungkod na hawak niya at paulit-ulit nilang inihampas sa kanyang ulo. Matapos nilang kutyain si Hesus, hinubad nila sa kanya ang kapa at isinuot muli sa kanya ang damit niya. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod para ipako sa krus. (Mateo 27:27-31 ASD)
Let’s pause a moment and think about this. Can you imagine how it must have felt to be treated like that—by the very people He Himself created? But Jesus endured all this, dahil alam Niya na kailangang mangyari ang cross para maibalik tayo sa Kanya. Let’s thank Him, because that’s how much He loves you!
Tandaan mo, isa kang miracle!