He’s Been Thinking About YOU This Whole Time!🤗
Have you ever tried reading the Bible? Noong bata ako, sinubukan kong basahin ito, pero nahirapan ako. I think it’s because the translation I used was written in old English. Pero kahit may mas madaling intindihin na translation, marami pa ring nahihirapang unawain ang Old Testament—kung ano ang kinalaman nito sa story ni Jesus—dahil lumalabas lang ang pangalan ni Jesus sa New Testament.
Pero naalala ko ang isang Bible study na kinuha ko online, where they explained that even the Old Testament points to Jesus. Baka magtanong ka kung ano ang kinalaman nito sa ating series going towards Holy Week, “Arms Wide Open: Looking at the Cross.” We just want you to know that the cross was not something that happened by chance. Matagal-tagal na palang plano ito ni Lord. Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso doon sa ilang, kailangan ding itaas ang Anak ng Tao upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
“Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:14-16 ASD)
Nakikita mo ba? Si Jesus mismo ang tumukoy sa ginawa ni Moises, na nabuhay mahigit isang libong taon bago si Jesus, kung saan namamatay ang mga tao sa kagat ng ahas. Pinataas ng Lord kay Moises ang ahas na tanso, at kung sinuman ang tumingin doon ay nailigtas. Isa pala itong larawan ng mangyayari din nang itaas na si Jesus sa cross.
The good news is, it tells us na matagal nang inisip ni Lord ang mangyayari sa cross—ibig sabihin, matagal na rin Niya tayong iniisip!
Tandaan mo, isa kang miracle!