Your life deserves peace…are you in?☺️
Kung naranasan mo na ang anxiety, may mga payo ka bang natanggap that have been helpful to you? Mayroon din bang hindi naman talaga nakatulong? May kaibigan kaming nahihirapan sa anxiety at depression, and it’s sad na nakatanggap sila ng advice from well-meaning Christians telling them na magdasal lang o kaya kulang siya sa faith. Over time, we’ve come to understand that these kinds of advice, though well-meaning, can actually be harmful because they require us to bypass our emotions, at hindi ito ang ipinapakita ni Lord sa Bible.
As we come near the end of our series this week, “Anxiety: A Biblical View (It’s Not What You Think!),” we want to review some of the practical tools we’ve shared. We do this by going back to the Biblical definition of peace. Sabi sa Bible:
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayo’y nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao. (Mga Taga-Filipos 4:6-7 ASD)
The Hebrew word for peace is shalom, and the Hebrew definition is an integrated peace, hindi sya pagiging non-emotional or stoic, kundi kabuuan sa lahat ng bagay sa buhay: body, mind, emotions, relationships with people and with God. At sinabi ditong “the peace of God will guard our hearts and minds”—that means hindi niya tinatanggal ang anxiety, kundi nandoon ang peace standing guard over our hearts and minds.
Kaya what we recommend for dealing with anxiety starts with: Alamin at aminin mo ito: Alam na ng Diyos ang pinagdadaanan natin, pero kapag inamin natin ito, nakakatulong ito upang mapatahimik ang ating isipan.
Tandaan mo, isa kang miracle!