You Can Walk With Him
Naiisip mo rin ba ito, “Pwede ba talaga akong lumapit sa Diyos?”
Minsan kasi, kapag alam natin ang mga pagkakamali natin, naiisip natin, “Am I really worthy to walk with God?”
Recently, may nakausap akong kaibigan na iba ang paniniwala. Para sa kanya, tinawag lang tayo para maging mabait at matulungin sa kapwa, at ang lahat ng nangyayari sa buhay ay nakaayon sa karma. Tinanong ko siya kung naniniwala siyang mahal tayo ng Diyos. Sa pananaw niya, hindi ito tungkol sa pagmamahal ng Diyos, kundi sa pagtawag sa atin na mamuhay nang payapa.
Maganda naman pakinggan, pero napaisip ako—kung ganoon, parang walang concept ng pagkakaroon ng personal na relasyon at pamumuhay kasama ang Panginoon.
Sa simula pa lang ng Bible, makikita natin na nilikha tayo ng Diyos “in the image of God.” Sabi sa Genesis 1:26, ginawa Niya tayo ayon sa Kanyang larawan.
And we can see through Adam and Eve that God’s desire is to have a relationship with His creation. In the Garden of Eden, they were able to be with God and experience His presence. Pero dumating ang kasalanan, at nasira ang relationship ng tao sa Diyos.
At dito naging napakahalaga ni Jesus.
Ipinadala Siya ng Panginoon upang bayaran ang lahat ng ating kasalanan at muli tayong magkaroon ng relationship with Him. That means we can now walk with God, restored in His original design for us as being created in His image.
Kaya pause muna tayo at manalangin:
“Lord, gusto kong lumakad kasama Mo. Salamat dahil nilikha Mo ako at hindi Mo ako iniwan sa aking kasalanan. Salamat kay Jesus na nagbayad para sa aking mga kasalanan. Turuan Mo akong makilala Ka at mamuhay kasama Mo araw-araw. In Jesus’ name, amen.”
Ngayon, sa busy mong araw, paano mo pwedeng isama si Jesus sa mga ginagawa mo?”
Tandaan mo, isa kang miracle!