This Is One Important Purpose of the Bible—Do You Know It?🤓
Here's another story for you. Noong bata ako, may nakita akong Bible sa bahay. I tried to read it, pero napakahirap ng English version nito. Siguro dalawa o tatlong chapters lang ang nabasa ko, tapos nawalan na ako ng gana. Ikaw, ano ba ang karanasan mo sa pagbabasa ng Bible?
Pero… nakakapanood kami ng Superbook noon, isang cartoon kung saan ang mga bata ay pumapasok sa mga kwentong nasa Bible. Kaya alam kong makabuluhan at nakawiwili ang totoong laman ng Bible.
At nang lumaki na ako, natutunan ko rin na mahalagang bahagi ang pagbasa ng Bible for “Growing in Faith Daily: Ways to a Stronger Walk with God.” Pero ano nga ba ang purpose ng reading the Bible? Siguro, itong sinabi ni Jesus Christ ang pinakamagandang summary nito:
Sinasaliksik ninyo ang Kasulatan sa pag-aakalang sa pamamagitan nitoʼy magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang Kasulatan mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin, ngunit ayaw ninyong lumapit sa akin upang magkaroon ng buhay. (Juan 5:39-40 ASD)
Nakikita mo ba? Isang mahalagang purpose pala ng Bible ay ang pagpapatotoo tungkol kay Jesus Christ, at ang paglapit natin sa Kanya. May isang kanta akong naalala na inilarawan ang Bible bilang “doorway to His heart.” Parang ganoon nga pala: nariyan ang Bible bilang daan patungo sa mas malalim na pagkilala natin kay Jesus.
Ikaw ba, kailan ka ba free to read even a little bit of the Bible every day? Pero ang challenge namin sa’yo ay ito: to use the Bible passage you read as a way to draw close to Him. You can do this by turning that passage into a prayer. For example, if you read a passage that talks about His love, you can thank Him for His love for you.
Tandaan mo, isa kang miracle!