• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Abr 29, 2026

Sanay Ka Bang Lumapit sa Kanya o Hindi Pa?🥰

Publication date Abr 29, 2026

When was the last time you trusted somebody with something important? Baka may big secret ka na hindi mo basta ma-reveal kung kanino lang. Or may problema ka, nararamdaman, o nangyayari sa buhay mo na hindi mo makwento sa iba, pero naibahagi mo sa isang kaibigan.

Recently, I’ve been thinking about friendships, at naalala ko ang isa kong kaibigan noong high school pa lang ako. Tahimik siyang tao at hindi basta-basta nagkukuwento, pero napansin kong pagdating sa akin, mas open siya. Kaya nararamdaman kong may tiwala siya sa akin.

As we continue our series this week, “Growing in Faith Daily: Ways to a Stronger Walk with God,” in what way do you think we can grow our trust in God? Do you know na makakatulong sa pagpapalakas ng tiwala sa Kanya if we practice coming to Him regularly—bringing everything that we’re going through to Him?  

Tingnan natin itong nakasulat sa Bible na sinabi ni Jesus sa mga taga-sunod Niya:

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko. (Mateo 11:28-30 ASD)” 

Nakikita mo ba? Inaanyayahan Niya tayong lumapit sa Kanya sa lahat ng kahirapan at kabigatang ating pinapasan. Pangako Niya na bibigyan Niya tayo ng kapahingahan. Alam mo ba, the more we come to Him and experience His peace and comfort, the more our faith in Him grows?

Ikaw ba, mayroon ka bang kailangang ilapit sa Kanya ngayon? Lumapit ka sa Kanya, ikwento mo ang lahat, at hayaan mong bigyan ka Niya ng kapahingahan.

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.