Sino ang dapat tularan?
Sinu-sino bang influencers ang lagi mong pinapanood sa social media o YouTube? Baka mahilig ka sa reels about fashion, food, cooking, travel, at different experiences. Or kung may sarili ka nang pamilya, baka mas napapanood mo ang tungkol sa parenting, education, marriage, at iba pang bagay na makakatulong sa family life.
Ang dami na nating pwedeng mapanood at mapag-aralan online ngayon. At whether we like it or not, pwede itong maging good or bad influence sa atin, hindi ba? At madalas, umiikoti ito sa paulit-ulit na “Sana all” moments sa isip natin.
Pero paano ba natin pinipili kung alin ang gusto nating gayahin?
In our homeschooling journey, one of the things that we constantly talk about with other parents is our worldview. Ano ba ang mga pinaniniwalaan nating mahalagang ituro sa ating mga anak? Hindi lang ito tungkol sa academics, kundi pati values, ang character na gusto nating makita sa kanila, at ang beliefs and convictions that we wish would guide their decisions as they become adults.
Kaya in our goal to be intentional parents, we tend to choose the things we watch, read, and listen to, according to the values we deeply hold. Isa sa mga guiding principles namin ang Malachi 4:5-6, kung saan naniniwala kami na nais ng Panginoon na ibalik ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak.
Kaya… “sana all” kayang magbigay ng panahon sa mga anak gaya ng mga pinapanood nating families; “sana all” nakakatulong sa mga anak na maging readers and lifelong learners; “sana all” mayroong deep at healthy relationships sa family.
Kung gusto mo rin ito, pwede mo itong hilingin kay Lord. “Lord, gusto kong maging malapit sa [mga anak/mga magulang/mga kapatid] ko. Tulungan Mo ako.”
Tandaan mo, isa kang miracle!