• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 28, 2026

“Sana all” malapit kay Lord!

Publication date Hun 28, 2026

Kapag may nakikita kang posts ng mga kaibigan o kamag-anak mo sa social media—mga travel photos, bagong pagkain na natikman, o simpleng moments kasama ang pamilya—masasabi mo bang natutuwa ka para sa kanila, o minsan may konting “Sana all!” na pumapasok sa isip mo? 

Recently, may kaibigan akong first time nag-travel abroad. Tuwang-tuwa siyang nagkuwento ng mga nakita at ginawa nila ng kanyang mga kasama. Halos wala raw silang pahinga sa dami ng pinuntahan nila kasama ng tour group, pero masaya naman. Bilang isang ina na may 7-year-old na anak, pagbalik niya, napaisip siya kung paano niya mabibigyan ng magagandang experiences ang anak niya habang bata pa—kahit simpleng pagpunta lang sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas.

Sa tingin ko, isa itong halimbawa ng posibleng magandang resulta ng “sana all.” Isn’t it true that sometimes, we can be inspired by other people’s experiences and want to have the same for ourselves? Hindi naman lahat ay dahil sa inggit. Minsan, nagiging inspiration ito para mangarap din tayo ng magagandang bagay para sa sarili natin at para sa mga mahal natin sa buhay.

Siguro, pwedeng ganito rin ang mangyari kapag nababasa natin ang kwento ng mga taong malapit kay Lord. For example, when we read about David’s relationship with God through the Psalms, 1 Samuel, and 2 Samuel, makikita natin kung paano siya lumapit kay God. Every time he failed, bumabalik siya kay Lord. Every time he needed to make a major decision, he consulted God and involved Him. These are the kinds of things that would be good for us to say “sana all” to, wouldn’t you say?

We can pray that God would help us know Him the way David knew Him.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.