• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Set 9, 2026

Say No To Fear

Publication date Set 9, 2026

Ano ang pinakakinatatakutan mo para sa pamilya mo? Handa ka ba sa mga maaaring mangyari? 

Na baka kulangin ang pera para sa pag-aaral ng mga anak? Na may magkasakit o maaksidente? O baka mawalan ng trabaho at hindi mo alam kung paano kayo makakaraos?

Kapag may pamilya ka na, marami talagang pwedeng ikabahala. Kaya nga sabi ng iba, kapag single ka pa, mas madali kang sumubok ng kung anu-anong bagay—magtrabaho kung saan-saan, maging misyonaryo, o mag-business. Wala ka pang iniisip na pamilya na umaasa sa iyo.

Alam mo ba ang tungkol sa anak ni Jairus, isang lider sa simbahan noong panahon ni Jesus? 

Nagkasakit nang malubha ang anak na babae ni Jairus, kaya pumunta siya kay Jesus at nakiusap na sumama sa kanya upang ipanalangin ang anak niya. Pero habang kinakausap pa lang niya si Jesus, may dumating na katulong at nagsabi, “Wala na ang anak mo. Huwag mo nang abalahin si Jesus.”

Pero nang marinig ni Jesus ang nangyari, ito ang sinabi Niya:

“Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.” (Luke 8:50 ASD

Kapag may malaking problema, we can become paralyzed by fear? Jesus isn’t surprised by our fear when we face uncertainty, tragedy, or serious illness. Naiintindihan Niya ang takot ni Jairus at naiintindihan Niya rin ang takot mo.

Huwag nating pakinggan ang boses na nagsasabing, “Huwag mo nang abalahin si Jesus.” Hindi totoo na hindi Ka Niya pinapakinggan o interesado sa pinagdadaanan mo.

Mahal na mahal ka ni Jesus. Paanong hindi Niya makikita ang mga kailangan mo? Lumapit ka sa Kanya.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.