May Forever Nga Ba?
May kakaiba talaga sa salitang "forever." Parang may hatak ito sa puso natin. Siguro dahil alam nating maraming bagay sa buhay ang panandalian lang. Kung tatanungin ka, sino ang mga taong gusto mong makasama forever?
Recently, umattend kami ng wedding shower ng isang kaibigang malapit nang ikasal. Isa sa mga activities ay ang game na, “Recipe for a Happy Marriage”. Pinasulat kami ng iba’t-ibang ingredients of a happy marriage. Lahat kami ay nag-isip ng kung ano ang sa tingin namin ay pinakamahalaga sa isang masayang pagsasama.
Nakakatuwang basahin ang mga sagot. Parang na-reveal ang personalities at experiences ng bawat isa! May sumulat ng "5 cups of forgiveness," kaya napaisip kami kung madalas ba silang magka-misunderstanding. May isa namang nagsulat ng "100 days of adventure," na talagang bagay sa adventurous na mag-asawang iyon.
Ang pag-aasawa ay isa sa pinakamagandang larawan ng pagpili sa isang taong gusto mong makasama habang-buhay. Pero alam mo bang gusto ka rin ni Jesus makasama—forever?
Basahin natin ang sinabi Niya:
Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo. (Juan 14:3 ASD).
At sa isa pang talata:
Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. (Pahayag 21:3 ASD)
Ang sarap isipin, hindi ka Niya nire-reject. Gusto ka rin Niyang makasama—ngayon at magpakailanman. Sa Kanya, may sure na forever!
Tandaan mo, isa kang miracle!