Seen, Not Judged
Noong bata ka ba, nakakita ka ng larawan na parang kahit saan ka pumunta, sinusundan ka ng tingin nito? Noong bata ako, may larawan kami ni Jesus na ganoon. Ang nakakatuwa, ang dating sa akin ng expression Niya ay parang hindi naman galit, pero hindi rin masaya. Para bang may hinihintay Siyang maling magagawa ko.
This week, we’re starting a new series entitled, “His Eyes Are on You.” But have you ever thought about it? Puwede pala itong maging good news o bad news—depende sa kung sino ang nakatingin sa'yo.
For example, if we grew up believing in Santa Claus, iniisip natin na kailangan nating maging mabuti para mapasama sa listahan ng mga makakatanggap ng regalo tuwing Pasko. O kung ang tingin natin kay God ay parang isang pulis, matatakot tayong magkamali dahil iniisip nating bawat pagkakamali ay may katumbas na parusa.
Pero iba ang Diyos na ipinapakilala ng Bible.
We have a good God who loves us perfectly. Kapag sinabing nakatingin Siya sa atin, hindi iyon dahil naghahanap Siya ng mali. Hindi rin dahil gusto Niya tayong parusahan. Nakatingin Siya dahil mahal Niya tayo.
Over the next week, let’s take a closer look at the kind of God we have. We’ll begin by looking at the God who willingly gave His life for us (John 3:16), making a way for us to be forgiven and brought back into a relationship with Him.
Maaari ba nating ipanalangin ito?
"Lord, gusto kong malaman kung paano Mo ako tinitingnan. Tulungan Mo akong maintindihan ang Iyong puso para sa akin."
Tandaan mo, isa kang miracle!