The Comparison Trap
Minsan ba pakiramdam mo na may mga bagay na kaya lang ng ibang tao at hindi mo kaya? Of course, we all have our limitations, but I’m talking about those moments when we start feeling inferior or insecure. Isa rin ito siguro sa mga panahon kung saan nagsasabi tayo ng “Sana all!”, kasi sa isip mo, imposibleng marating ito.
Siguro hindi namin masyado naranasan ito noon kasi pareho kaming lumaking achiever. Si Yen, strong sa academics, ako naman sa sports. Pero kahit ganoon, may ibang form pa rin pala ang ganitong thinking.
Noong high school ako, varsity ako sa maraming sports. Lagi pa ngang sinasabi ng mga coaches ko, “Kung sana may ilan pang Mark sa team natin, siguradong panalo na tayo!” (Parang “sana all” din ang dating, diba?) Kaya lumaki akong napaka-confident sa sarili, malakas ang paniniwalang magaling ako, at kung sana’y ganoon din ang lahat ng tao sa paligid.
Sa isang banda, may good side siya, lalo na kung team captain ka, kasi nakaka-encourage ka ng iba na abutin din ang goal ng team.
Pero nagbago ang perspective ko nang mag-asawa ako. Doon ko nakita na hindi pala laging healthy ang ganitong mindset. Kasi imbes na mas makilala ko ang asawa ko, kapag may mga ginagawa o nagagawa siyang hindi ko maintindihan at iba sa nakasanayan ko, naiisip ko na lang na sana katulad ko siya. Kaya nagdulot ito ng problema sa aming pagsasama.
Unti-unti, nagbago rin yung perspective ko habang natututo kami about God’s design for each person (Psalm 139). Mas naging kuntento ako sa kung ano ang ibinigay ng Panginoon sa amin, individually and as a family.
In what ways can you ask God to help you appreciate what you have?
Tandaan mo, isa kang miracle!