• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Okt 15, 2026

Iniisip ka Niya.

Publication date Okt 15, 2026

Alam mo yung feeling na bigla kang makakatanggap ng message na, “Kumain ka na?”

Simple lang, ’di ba? Pero iba ang dating. Kasi alam mong hindi lang naman talaga pagkain ang tinatanong niya. Parang sinasabi rin niya, “Iniisip kita. Kumusta ka? Okay ka ba?”

Noong bata tayo, madalas, parents natin ang gumagawa nito para sa atin. Nagtatrabaho sila, naghahanapbuhay, naghahanda ng pagkain, bumibili ng mga kailangan natin. Minsan nga, bago pa natin malaman na kailangan natin ang isang bagay, naihanda na nila.

Ngayon na mas matanda na tayo, tayo naman siguro ang ganito sa mga mahal natin sa buhay. Iniisip natin kung kumain na ba sila o kung okay ba sila.

Hindi ba natural lang sa isang taong may minamahal na lagi niyang naiisip ang taong iyon at kung ano ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya?

Ikaw, ano ang mga nakasanayan mong gawin para sa mga taong mahal mo?

Pero, naisip mo na ba na ganito rin pala ang Panginoon sa atin? Have you ever wondered how much God thinks about you?

Let’s read this from the Bible: 

O Diyos, hindi ko lubos maunawaanang mga iniisip ninyo;itoʼy sadyang napakarami.Kung itoʼy aking bibilangin,mas marami pa kaysa sa buhangin.Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin. (Salmo 139:17-18 ASD) 

Mas marami pa kaysa sa buhangin. Bawat butil ng buhangin sa dalampasigan—isang paalala na iniisip ka ng Diyos.

So, if there are times when you feel like no one is thinking about you, remember that the Lord is always thinking about you. 

Imagine mo na nasa beach ka ngayon. Kumuha ka ng isang butil ng buhangin at isipin mong sinasabi ng Diyos, “Iniisip kita.”

Kumuha ka pa ng isa: “Mahal kita.”

Isa pa: “Nakikita kita.”

Tapos tingnan mo ang buong dalampasigan. Ang dami, ’di ba? Ganoon karami ang iniisip ng Diyos tungkol sa iyo. Hindi ka Niya nakakalimutan. Wow.

Isipin mo ito: Kung talagang napakaraming iniisip ng Diyos tungkol sa iyo, ano kaya ang gusto Niyang ipaalala sa’yo ngayon?

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.