• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Okt 14, 2026

Madilim?

Publication date Okt 14, 2026

May mga araw ba na kahit simpleng paglabas ng kwarto, parang ang bigat-bigat na?  

Mga panahong gusto mo na lang magtago. Walang kausap. Walang makitang ibang tao. Gusto mo lang humiga, magpahinga, at sana, kahit sandali, tumigil muna ang mundo.

Minsan, may mga pagkakamaling paulit-ulit nating naiisip. Minsan naman, kasabay nito ang anxiety at depression. Hindi natin maintindihan kung bakit ganito kabigat ang nararamdaman natin. Mapapansin na lang natin na mas gusto nating mapag-isa, lumayo sa mga tao, at manatili na lang sa ating sariling mundo.

May kaibigan akong ganito ang nararanasan kapag umaatake ang anxiety at depression. Kapag dumarating ang mga ganitong araw, alam na ng asawa niya kung ano ang gagawin. Hindi siya pinipilit makipag-usap o lumabas. Ihahanda lang niya ang tanghalian at hapunan, tapos dadalhin sa kanilang silid. O kaya naman, o-order siya ng paboritong pagkain ng asawa niya sa Grab.

Simple lang, pero ramdam mo yung mensaheng, “Nandito lang ako. Hindi mo kailangang harapin ’to nang mag-isa.” At unti-unti, gumagaan ang pakiramdam niya.

Baka nandito ka rin sa season na ito. Baka may mga araw na gusto mo na lang magtago sa lahat. Gusto kong ipaalala sa iyo: hindi ka nag-iisa. Ang Panginoon na lumikha sa iyo ay Siya ring nakakakita sa iyo, kahit nasa pinakamadilim kang lugar.

Sabi sa Salmo 139:11-12 ASD:

Maaaring mapakiusapan koang dilim na itago ako,o maging gabi ang liwanag sa paligid ko;subalit, kahit ang kadilimanay hindi madilim sa inyo, Panginoon,at ang gabi ay parang araw.Dahil para sa inyo,pareho lang ang dilim at ang liwanag. 

Nakikita mo ba? Hindi hadlang ang dilim para makita at malapitan ka ng Diyos. Kahit gaano kabigat ang nasa paligid mo, nakikita ka Niya. Patuloy ka Niyang minamahal at inaalagaan. 

Let’s pray this together: 

“Lord, pakiramdam ko napakadilim ng paligid. Pero alam kong nakikita Mo ako at nalalaman Mo ang pinagdadaanan ko. Samahan Mo po ako, tulungan Mo akong makaahon. Amen.” 

Iiwan ko sa’yo ang tanong na ito: 

Kapag dumarating ang mga araw na gusto mong mapag-isa, saan ka kumakapit? Naaalala mo ba na kahit gusto mong mapag-isa, nakikita ka pa rin ng Diyos?

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.