• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Okt 27, 2026

All In, All the Way

Publication date Okt 27, 2026

When was the last time you gave something your 100%? 

Kahit sa mga simpleng bagay like work, studies, sports, or even a dream you’ve been chasing, hindi ba't ang laking sacrifice ang ibinibigay mo para maging mahusay talaga?

Recently, may nakausap akong nagkwento tungkol sa mga athletes na sumasali sa international events tulad ng Asian Games. May isang Pinoy athlete na simula bata pa lang siya, kasama na niya ang kanyang coach. Year after year, they continued training and learning together hanggang sa naging adult na siya. 

At dahil sa ganitong level ng dedication, lagi siyang nananalo, nagdadala ng karangalan sa ating bansa, at nagiging inspirasyon para sa iba.

Can you imagine that kind of dedication? Training almost every day for decades?

Alam mo ba, ginamit din ni apostle Paul ang pagiging athlete para ilarawan ang buhay kasama ang Panginoon?

Sabi sa 1 Mga Taga-Corinto 9:24-25 ASD:

Alam ba ninyong isa lamang ang nananalo sa isang paligsahan kahit na marami ang sumasali dito? Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo para makamit ninyo ang gantimpala. Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili para makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman. 

Isn’t that interesting? Kung kayang ibigay ng isang athlete ang buong buhay niya para sa isang pansamantalang medalya, paano naman tayo sa buhay na kasama ang Diyos?

At ito naman ang sinabi ni Paul:

Kaya nga, may direksiyon ang aking pagtakbo. Hindi lamang ako sumusuntok sa hangin. Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos. (1 Mga Taga-Corinto 9:26-27 ASD) 

Siguro ito ang tanong para sa atin: May direction ba ang buhay natin? Are we willing to be disciplined and give our best in following the Lord?

Hindi kailangang gawin natin ito mag-isa. Pwede tayong humingi ng tulong sa Panginoon araw-araw.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.