Faith, Hope, and Love
Nakapanood ka na ba ng movie or series tungkol sa mga miracles na ginawa ng Panginoon sa buhay ng mga tao?
Maybe you’ve seen The Jesus Film, or even animated stories about Moses like The Prince of Egypt. Ang sarap panoorin ng mga ganitong kuwento. Sa ngayon, isa ang The Chosen series sa mga bagong palabas na may parehong tema.
Ikaw ba, gusto mo rin bang makita ang mga ginagawa ng Panginoon sa mundo o sa buhay ng tao?
May tatlong bagay na pwede nating bigyan ng priority. Sabi sa Bible, “three things remain: faith, hope, and love.” (1 Corinthians 13:13.)
Una. faith.
Kailangang lumago ang ating pananalig sa Panginoon at inaanyayahan Niya tayong manalig sa Kanya. Sabi sa Mga Hebreo 11:6 ASD, “Kung walang pananampalataya, walang sinuman ang makapagbibigay-lugod sa Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Diyos at binibigyan niya ng gantimpala ang mga taong humahanap sa kanya.
Pangalawa, hope in God.
Kapag umaasa tayo sa Panginoon, natututo tayong magtiwala na ginagawa Niya ang makabubuti para sa atin. We can rely on His help because we have hope that He is always there through everything we go through.
At panghuli, love.
Ang pagmamahal ang nagpapagaan ng lahat. Tinutulungan tayo nitong makita ang mundo at ang mga tao sa paligid natin through eyes of compassion.
Those who persevere in faith, hope, and love become more aware of what the Lord is doing—even in the little things. Kaya piliin natin ang tatlong ito araw-araw. Magtiwala. Umasa. Magmahal.
Kaya, sa tatlo—faith, hope, at love, alin ang gusto mong mas palaguin sa buhay mo ngayon?
Tandaan mo, isa kang miracle!