
The Chosen Gen Z - Sessions
Welcome to The Chosen Gen Z Sessions — a fresh, relevant, and heart-level journey designed especially for today’s generation.
Inspired by key scenes from The Chosen series, each session explores real-life struggles and faith questions through the lens of Scripture. Dito, pag-uusapan natin ang mga moments na nakakarelate ka—feeling lost, doubting yourself, dealing with pressure, forgiveness, mental health, identity, and more.
No need to have it all figured out—just come as you are.
Tara, let’s grow together in faith, community, and purpose.
Pwede ka bang makahanap ng lakas sa gitna ng unos mo?
Sa scene na ’to, makikita natin yung powerful moment na naglakad si Jesus sa water—super awe-inspiring—pero at the same time, very personal din yung moment na inabot Niya si Peter. It shows us na even in the middle of life’s storms, we can find strength and stability. Plus, it reminds us how important it is to trust and reach out for help kapag feeling overwhelmed na tayo.

Ever feel na para bang "nalulunod" ka sa buhay, na parang ang lahat is just way too much? Anong nakatulong sa iyo to stay afloat or para malampasan ito?
Nagsimula si Peter na confident, but once fear kicks in, nagsimula syang lumubog. Nakapagsimula ka ba ng isang bagay na confident ka, pero sa kalagitnaan ay nawalan ka ng balanse- noong magsimulang pumasok ang pagdududa? Paano mo ito hinarap at bumangon muli?
Agad na hinawakan ni Jesus ang kamay ni Peter nang nagsisimula na syang lumubog. Sino ang iyong go-to when life gets heavy? How do they show up for you o paano sila sumusuporta sa iyo?
Sabay-sabay nasaksihan ng mga disciples ang amazing na pangyayaring ’to. Gaano ba kahalaga ang may solid at supportive na group kapag may pinagdadaanan kang mabigat? At paano ka bumubuo ng ganitong klaseng community sa buhay mo?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Pwede bang makagawa ng malaking impact ang maliliit na actions?
Imagine this—isang piraso ng meryenda, naging feast para sa libo-libo. Pero hindi lang ’to tungkol sa isang ancient miracle—it’s a reminder na kahit maliit ang contribution mo, pwedeng magkaroon ng malaking ripple effect. Parang TikTok trend na nagsimula sa isang tao, tapos biglang buong feed mo ginagaya na rin. Ipinapakita ng story na ’to na minsan, konting faith at sama-samang effort lang ang kailangan para makakita ng mind-blowing na resulta.

Isipin mo 'yong isang viral challenge or trend na sinabayan mo. Anong feeling na naging part ka ng something way bigger than just you? Paano mo kaya iyon iko-compare to what the disciples went through sa eksenang ito?
Ibinigay ng batang lalaki ang konting mayroon siya. Ikaw, kailan ka nagdalawang-isip mag-share o tumulong dahil feeling mo kulang o maliit lang ’yung kaya mong ibigay? What happened?
Sa eksenang ’to, makikita mo kung paano nagkaisa ang buong crowd. Naka-experience ka na rin ba ng ganito—yung mga kaibigan mo o community n’yo nagsama-sama para harapin ang isang malaking problema, maybe through social media? Ano ang naging resulta?
Sa dami ng global issues ngayon—tulad ng climate change o social inequality—na laging nasa feeds natin, paano ka na-i-inspire ng story na ’to na kumilos, kahit pa na ang iyong impact ay parang napakaliit?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Maaari Bang Ma-define ng Past ng Isang Tao ang Kanyang Future?
Sa kwentong ito, nakipag-usap si Jesus sa isang Samaritan woman sa balon—isang bagay na hindi inaasahan noong panahon na ’yon. Binuwag Niya ang mga social barrier at inalok siya ng bagong buhay. Ipinapakita nito kung paanong tinatanggap ni Jesus ang isang tao kahit ano pa ang pinagmulan. Hinahamon din tayo na pag-isipan kung paano tayo humusga—sa iba, at sa sarili natin. Pinapaalala nito na kahit sa mundong madaling mag-label at magtaboy, posible pa ring makahanap ng tunay na purpose at pagtanggap.

Naranasan mo na bang ma-judge o ma-exclude dahil sa kung sino ka o kung saan ka galing? Anong naramdaman mo noon? At sa tingin mo, paano naka-relate sa experience mo ’yung encounter ni Jesus with the Samaritan woman?
May complicated past ang Samaritan woman, at iniiwasan sya ng mga tao dahil dito. Sa palagay mo ba ang nakaraan ng isang tao should define who they are now? Why or why not?
Inalok ni Jesus ng ‘living water’ ang babae—na simbolo ng isang buhay na tunay na makabuluhan. Para sa ’yo, ano sa tingin mo ang nagbibigay ng totoong fulfillment sa buhay, lalo na para sa mga kabataan ngayon?
Hindi maitago ng babae sa balon ang experience nya with Jesus- excited syang ikinuwento ito sa iba. Na-experience mo na bang sobrang excited or moved ka by something na kailangan mo itong sabihin sa ibang tao? Paano ito nakaka-relate sa kwento niya?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Pag-handle ng Matitinding Emotions.
Sa eksenang ito, binigyang-diin dito ang key moment kung saan pinansin ni Jesus si James at John dahil sa kanilang impulsive anger, kaya may nickname silang “Sons of Thunder.” Hinahamon tayo nitong pag-isipan ang pagbabalanse sa pagitan ng mga passionate responses at thoughtful actions, lalo na kung fired-up tayo sa isang bagay na tingin natin ay unfair.

Matindi ang naging reaction nina James at John sa mga tumanggi kay Jesus. Ikaw, kailan ka nakaramdam ng matinding urge na gumanti o lumaban sa taong kumontra sa paniniwala o values mo? Paano mo hinarap ’yung sitwasyon?
Pinagsabihan ni Jesus ang mga disciples sa naging reaction nila. Ikaw, paano mo nasasabi kung kailan tama lang magalit, at kailan na ito nagiging sobra o nakakasakit na?
Sa eksenang ito, makikita kung paano natututo ang disciples sa pamamagitan ng correction. Na-experience mo na rin ba na may mentor o leader na tumawag ng pansin sa isang pagkakamali mo? Paano nakaapekto ’yon sa personal growth mo?
Yung tawag na 'Sons of Thunder' kay James at John, nagpapakita ng strength pero pati na rin ng pagiging intense o mainitin. Kung ikaw, gagawan ka ng nickname base sa personality mo, ano kaya ’yon? At paano mo magagamit yung unique traits mo in a positive way?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Kaya Mo Bang Mag-Level Up Mula Follower to Leader?
Sa eksenang ito, makikita ang isang mahalagang turning point—kung saan ginawa ni Jesus na apostles ang kanyang mga disciples. Ibinigay Niya sa kanila ang authority at responsibility na ipalaganap ang kanyang mensahe at gumawa ng mga himala. Hinahamon din tayo ng kwentong ito na pag-isipan: kailan ba tayo lalabas mula sa pagiging tagapakinig lang, at magkakaroon ng lakas ng loob na tumayo bilang leader na may mas malaking responsibilidad?

Ipinadala ang mga disciples in pairs. Paanong ang pagkakaron ng someone by your side—tulad ng kaibigan o support system—ay makakatulong sa iyo sa pag-handle ng new challenges or big responsibilities?
Binigyan ni Jesus ang kanyang mga apostles ng authority para mag-perform ng miracles. Anong klaseng "miracles" sa tingin mo ang kayang gawin ng mga kabataan sa ngayon kapag nag-step up sila as leaders?
Yung mga apostles, binigyan ng mission na ibahagi ang message ni Jesus sa iba’t ibang communities. Ikaw, paano mo sinishare ang beliefs o values mo sa ibang tao—lalo na kung alam mong maaaring iba ang paniniwala nila o medyo controversial yung topic?
Sa eksenang ito, makikita ang isang importanteng moment ng personal growth para sa mga disciples. Ikaw, na-experience mo na bang bigyan ng bagong responsibilidad? Paano nito nabago ang tingin mo sa sarili mo, at ang relationship mo sa ibang tao?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Hanggang Saan Dapat ang Forgiveness?
Sa eksenang ito, tinalakay ang mahirap pero mahalagang konsepto ng forgiveness sa conversation ni Peter at Jesus. Mapapaisip ka—hanggang saan ba ang pasensya at mercy? Paano kung paulit-ulit ang pagkakamali? At paano natin hinahandle ang conflicts sa relationships natin? Hinahamon tayo ng episode na ito to think na ang pagpapatawad ay hindi lang one-time thing. It’s a mindset — isang bagay na paulit-ulit mo dapat pilin, kahit pa ito'y mahirap.

Akala ni Peter, sapat na ang magpatawad ng 7 beses. Pero ikaw, naka-experience ka na ba ng situation na ang hirap magpatawad—kahit isang beses lang? Ano’ng dahilan bakit naging mahirap para sa’yo?
Mas malawak ang forgiveness na hinihingi ni Jesus kaysa sa inaasahan ni Peter. Sa tingin mo, paano makakaapekto ang idea ng ‘unlimited forgiveness’ sa paraan natin mag-handle ng conflict—lalo na sa friendships o sa mga away o issues sa social media?
In today's cancel culture, ang bilis lang i-cut off ang tao kapag nagkamali. Pero iba ang itinuro ni Jesus, totally different. Paano hinahamon ng turo ni Jesus tungkol sa forgiveness ang ganitong trend? And honestly... sa tingin mo, realistic pa ba talaga na mamuhay ng ganito sa mundo ngayon?
May naaalala ka bang time na pinatawad ka ng isang tao kahit paulit-ulit mong nagawa ang isang pagkakamali? Ano’ng naramdaman mo nung pinatawad ka niya, at may nabago ba sa ugali o pananaw mo pagkatapos nun?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Kaya Bang Talunin ng Faith ang iyong Deepest Struggles?
Ang eksena na ito ay nagpapakita ng isang powerful moment of faith and healing — kung saan ang personal na paniniwala ng isang tao ay nagdulot ng tunay na pagbabago. It makes you think: gaano katatag dapat ang faith mo para magpatuloy sa pinagdadaanan mo na ang tagal mo nang dinadala? Reminder ito how life-changing it can be kapag nagtiwala ka ng buo sa isang bagay na mas malaki sa iyo.

Ang babae sa eksenang ito ay 12 years na dinala ang sakit - that's no joke. Ikaw, naka-experience ka na ba ng matagal na pagsubok? Paano nito naapektuhan ang pananaw mo sa buhay at ang relasyon mo sa ibang tao?
Naniniwala ang babae na kahit mahawakan lang niya ang laylayan ng damit ni Jesus, gagaling na siya. Sa panahon ngayon, ano’ng itsura ng ganitong level ng faith? May naiisip ka bang example kung saan ang matinding paniniwala ay nagdala ng malaking pagbabago?
Ang kagalingan ng babae ay hindi lang physical kundi pati social, kasi na na-isolate siya sa community niya dahil sa kondisyon niya. Sa tingin mo, paano naaapektuhan ng physical at mental health challenges ang relationships at social connections ngayon—lalo na sa panahon ng social media?
Si Jesus, nag-respond sa faith ng babae with compassion and healing. Sa experience mo, paano mo ito iko-compare sa ibang religious or spiritual figures na nakita mo sa media or nabasa mo sa books or articles?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Facing Fear and Finding Courage.
Sa eksenang ito, makikita ang takot at pag-aalinlangan ng mga disciples habang hinaharap nila ang unang mission nila nang wala si Jesus sa tabi nila. Ipinapakita dito kung gaano kahirap lumabas sa comfort zone, kung gaano kahalaga ang tiwala sa leadership, at kung paano nakakapagbigay ng lakas ng loob ang pananampalataya sa mga sitwasyong nakakatakot. Nakaka-relate din ito sa mga panahon na may bago tayong responsibilidad at may kaba tayo sa kung anong naghihintay sa future.

Si Simon ang nagsabi ng takot ng grupo. Ikaw, naka-experience ka na ba ng moment na takot ka pero kailangan mong magsalita—para sa sarili mo o para sa iba? Kumusta ang experience na ’yon?
The disciples are given a mission na kailangan nilang kumpletuhin na silang lang sa unang pagkakataon. Makaka-relate ka ba sa nabigyan ka ng malaking responsibility that made you feel nervous? Paano mo hinarap ito?
Si Zee ay kalamdo lang habang ang iba ay natataranta. Bakit kaya may iba na mas magaling manataling kalmado kahit under pressure? Naranasan mo na bang ma-surprise sa sarili mo o sa reaction ng iba sa stressful situation?
Alam ng mga disciples na lumapit kay Jesus kapag sila'y natatakot. When you're dealing with something na nakakatakot o hindi mo alam, kanino o saan ka kumukuha ng support o guidance?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Lakas sa Gitna ng Kahinaan
Ipinapakita ng eksenang ito si Nathanael at his lowest, noong gumuguho ang kanyang mga plano at pangarap. Mapapaisip ka nito kung paano mo kaya ihahandle kapag ang mga plano mo ang nagulo at kung paano ang pagiging vulnerable can actually help you grow at bumalik muli na mas malakas.

Hindi nagpipigil si Nathanael—totoo sya sa kanyang frustration. What about you? When things fall apart- kinakausap mo ba ang iba o itinatago mo lang sa sarili mo?
In this scene, makikita natin ang isang character sa kanyang lowest point. Ikaw, na-experience mo na bang maramdaman na parang nasayang lang lahat ng effort mo? Paano ka nakabangon o nakamove forward mula sa experience na ’yon?
Ang pag-iyak ni Nathanael ay pwedeng makita bilang act of faith o sigaw ng desperation. Ikaw, kapag dumadaan ka sa mahirap na panahon, paano ka nakakahanap ng pag-asa? Saan o kanino ka kumakapit para sa support?
Sa eksenang ’to, kitang-kita ang pagiging vulnerable ng character. Ikaw, gaano ka ka-komportable na ipakita ang kahinaan mo sa ibang tao? Sa tingin mo, paano nakakaapekto sa relationships natin kapag nagiging open tayo sa mga pinagdadaanan natin?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Relevant pa rin ba ang prayer sa panahon ngayon na dominated ng social media?
Ipinapakita ng moment na ‘to kung ano talaga ang prayer — simple, totoo, at tunay. Ang nakakatuwa, mas mabilis itong naiintindihan ng mga bata kaysa ng mga adults, iniimbitahan tayo na i-reconsider ang pagiging simple at totoo sa pakikipag-ugnayan sa Diyos. Sa dami ng digital noise sa buhay natin ngayon, this moment makes you think: ano nga ba ang tunay na itsura ng koneksyon natin sa Diyos sa panahon ngayon?

Nakuha ng mga bata kung ano ang prayer sa eksenang ito—walang overthinking, just real talk. May naaalala ka bang oras na mas naintindihan mo agad ang isang bagay kaysa sa iyong parents or older folks? Paano kaya sa palagay mo ito nakaapekto sa paraan ng bawat generation sa pag-approach sa pananampalataya at pakikipag-usap sa Diyos?
Itinuro ni Jesus ang isang simple at diretsong paraan ng panalangin. Kung magsusulat ka ng message para kay God, ano ang uunahin mong sabihin? Sa tingin mo, paano mo babalansehin ang pagiging formal at ang pagiging totoo sa laman ng prayer mo?
Minsan, iniisip natin na ang prayer kailangan laging formal o parang ang bigat gawin. Pero sa scene na ’to, nabago ba o na-confirm yung pagkaintindi mo sa kung ano talaga ang prayer sa araw-araw? Paano mo ito nakikita ngayon?
Sa mundo natin ngayon na super connected, pero minsan nakakaramdam pa rin tayo ng isolation, sa tingin mo, paano nagiging relevant ang prayer bilang direct na communication with God—kahit para sa mga taong hindi pa sure sa faith nila?
Gusto mo bang makipag-usap with someone and share your thoughts?
I-click ang button sa ibaba, isulat sa subject ang title ng scene and ang iyong katanungan sa question area. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.
Gusto mo bang makipag-usap to someone and share your thoughts? Pakikumpleto ang form sa ibaba. Isa sa aming mga volunteers ang makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon.