Your Words Matter!
Ano ba ang madalas lumalabas sa bibig mo? Are your words usually full of encouragement, or mas madalas ba ang complaints at critical words? Sabi nga, mahirap bawiin ang mga salitang nasabi mo na. Tama ba?
Noong maliit pa ang aming panganay na anak, ang laki ng struggle naming mag-asawa sa mga salitang lumalabas sa amin kapag galit kami. (Honestly, we still struggle with that sometimes, but thankfully we’ve learned more on how to manage our emotions!) Mas naging challenging pa ito dahil nakikita namin agad ang epekto sa aming anak kapag may nasasabi kaming masasakit na salita sa kanya.
Sa panahong iyon, isa ito sa mga verses na ginamit ng Panginoon to remind me of who I really am:
Milk and honey are under your tongue (Song of Songs 4:11 ESV).
Sa verse na ito, gumamit si Solomon ng mga bagay upang ilarawan ang kanyang minamahal. He said that milk and honey are under her tongue. In the Bible, milk is a picture of nourishment, and honey is a picture of sweetness.
I was surprised that God would use this verse to tell me that my words give nourishment and sweetness, at a time when that definitely was not happening yet! But it gave me a vision of what God believes me to be, and that’s… heartwarming.
Nakikita mo ba? Kung sinasabing mayroon tayong mga salitang pwedeng magbigay-buhay sa kapwa, hindi ba’t ibig sabihin ay pwede tayong maging regalo para sa kanila? Maaari nating gamitin ang ating mga salita para sa ikabubuti ng iba.
In what way can you practice that today? Sino ba ang isang taong pwede mong sabihan ng words of nourishment and sweetness?
Tandaan mo, isa kang miracle!