• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date May 11, 2026

Your Problems Now: Forever Ba?🤔

Publication date May 11, 2026

Ano ba ang tingin mo sa mga problema? Parang trick question, ‘di ba? Siyempre, sino ba sa atin ang gustong magkaroon ng problema? Of course, if we had a choice, we’d all choose a worry-free life.

Pero alam mo bang pwede rin nating piliin kung paano natin titingnan ang mabibigat na nangyayari sa ating buhay? As we continue our series, “Hope for Every Season: Your Anchor When Life Feels Heavy,” basahin natin ang isinulat ni Apostle Paul, isang tagasunod ni Jesus:

Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw. Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman. Kaya hindi nakatuon ang aming mga mata sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan. (Mga Taga-Corinto 4:16-18 ASD

Ano-ano ba ang mga sinabi niya dito tungkol sa paghihirap na dinaranas natin sa buhay? Let’s list them down: 

  1. Lumalakas ang espiritu natin.

  2. Panandalian lamang ang mga paghihirap na ito.

  3. Nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng kahit anuman.

Isn’t that comforting? Kahit may mga mahihirap tayong pinagdaanan, it makes a difference to know they won’t last forever. In contrast, Paul encourages us to fix our eyes on things that are unseen, because these are eternal. 

Sa tingin mo ba, in what way can you embrace this mindset about troubles? Makakatulong ba ang pagbigkas ng mga Bible verses na ito araw-araw? Try it and let us know! 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.