your heart is shifting — and it’s God behind it. 🥰
Let’s be honest. Wala siguro sa atin ang hindi naaapektuhan ang emosyon ng social media. Hindi ba't nakakatuwa kapag maraming "like" ang post mo? Or how about when you see that the person you have your eye on viewed or hearted your Story or My Day? Pero kapag konti lang ang nag-react… ewan, medyo nakakainis o nakakalungkot din minsan, ‘di ba?
Don’t be shy to admit it. Dahil ginagawa pa lang ang social media, alam na ito ng mga inventors nito. Alam nila kung paano gawing addictive ito. They knew exactly what they were doing, kaya huwag ka nang magtaka kung hindi mo ito basta matanggal sa sistema mo, sa daily routine mo.
Let’s read this Bible passage out loud:
Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.Ipagkatiwala mo sa Panginoonang lahat ng iyong ginagawa;magtiwala ka sa kanyaat tutulungan ka niya. (Salmo 37:4 ASD)
Nakikita mo ba? Pwede palang si Lord ang maging source of our happiness. And yes — we can totally trust Him to give us the longings of our heart. Pero here’s the amazing part: as we find our satisfaction in Him, alam mo bang pati ang mga hangarin natin ay nagiging kapareho ng mga nasa puso Niya? So hindi na tayo basta-basta naa-attract sa mga bagay na ‘di naman talaga galing sa Kanya. Kaya naman, we can confidently commit everything we do to Him — and believe that He will help us, guide us, and bless us along the way.
Let’s pray this together: “Lord, gusto kong matutong hanapin sa Iyo ang tunay na kaligayahan, at naniniwala akong ibibigay Mo ang mga hangarin ng puso ko. Turuan Mo akong ipagkatiwala sa Iyo ang lahat ng ginagawa ko. In Jesus’ name, amen..”
We hope this truth helps combat the allure of what we see on social media.
Tandaan mo, isa kang miracle!