Someone is Listening
When life feels heavy, do you notice a difference when you have someone who listens to your sorrows? Minsan, dahil sa problemang dumarating, parang walang katapusan. Minsan naman, dahil sa hindi maiiwasang pangyayari, you have no choice but to face them. No matter what, iba pa rin kapag may kasama ka.
As we wrap up our series, “Hope for Every Season: Your Anchor When Life Feels Heavy,” we want to look at the times when life feels heavy because of sorrow. Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak.Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat? (Salmo 56:8 ASD)
Isa ito sa mga paborito kong passages sa Bible. Hindi madali ang makahanap ng kaibigang marunong makinig sa nararamdaman natin, at hindi rin lahat ng kaibigan ay nakakapansin sa mga pinagdadaanan natin. Pero iba si Lord. Siya ang Kaibigang nakakaalam ng lahat ng ating kalungkutan at ng ating mga pag-iyak. Higit pa rito, hindi lang Niya napapansin ang mga ito—iniilista pa Niya ang mga ito sa Kanyang aklat.
May naisulat akong kantang ganito ang lyrics:
You see me Lord, You hear my thoughtsYou feel every beat of my heart
You hear when I can’t say a thingYou know what that really means
You hear when I can’t pray a wordYou come and hold me in Your arms
Have you ever experienced anything like this? If not, we invite you to take a few minutes today na lumapit sa Kanya. Pwede nating dasalin ito, “Lord, salamat at nalalaman mo ang aking kalungkutan. [ikuwento dito ang nangyari o nararamdaman.] Salamat at nakikita Mo ang lahat kong pag-iyak. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!