You can live out your real identity
Does it ever throw you off when someone looks or acts differently in public than they do in private? Or do you go through this yourself, kahit na wala ka namang intensyon na magpanggap? It’s more common than you think.
Pero alam mo ba, hindi naman natin ito madalas sinasadya—na mas mabait tayo sa ibang tao kumpara sa sariling pamilya. Nangyayari ito dahil alam natin ang mga social norms we need to adhere to in public. Back home, we feel safe enough to let things like anger, frustration, and sadness come out.
Kaya… we need to learn to be confident in who we are before we can feel safe enough to show ourselves to others. The important thing is, we are not intentionally deceiving people into a version of ourselves that’s not true. Ibang kuwento na ang ganoon—ayaw na ayaw ni Lord ang nagpapanggap at nandaraya. That’s why the Bible is full of reminders about honesty and integrity.
But what we’re talking about now is the struggle to live out who we truly are—the challenge of showing our true selves to others. At mangyayari lang ito in safe relationships, sa mga taong alam mong mahal ka kahit ano pa ang makita nila.
Let's read these verses together:
Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa… (Mga Hebreo 10:25 ASD)
Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo. (1 Mga Taga-Tesalonica 5:11 ASD)
Nakikita mo ba? Tinatawag tayo ni Lord na pasiglahin at patatagin ang isa’t isa. Sa ganitong mga relasyon, maaari nating ilabas ang tunay na sarili at magtulungan upang maging mas matatag sa pagsunod kay Jesus.
Tandaan mo, isa kang miracle!