You can grow in relationship with others!
May isang atheist na nagsabi daw ng ganito, “I like your Jesus, but I don’t like your Christians.” Siguro nga, totoo ito. Mas madaling mahalin si Jesus na walang kasalanan compared to people who are just as imperfect as we are! Minsan ba, nakakaramdam ka rin ng ganito?
Pero basahin mo itong nakasulat sa Bible:
Ang nagsasabing iniibig niya ang Diyos ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Sapagkat kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya magawang ibigin, paano pa kaya niya magagawang ibigin ang Diyos na hindi naman niya nakikita? (1 Juan 4:20 ASD)
Parang masakit pakinggan, di ba? Pero totoo pala ito, dahil ang first and second commandment (Mateo 22:37-39) ni Jesus ay magkarugtong. Una ay ang pagmamahal sa Panginoon, at ang pangalawa ay ang pagmamahal sa kapwa-tao gaya ng pagmamahal sa sarili.
Pero may good news, dahil ito ang isang sinabi ni Jesus sa mga alagad Niya bago Siya namatay sa cross:
“Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo.” (Juan 13:34-35 ASD)
Yes, it seems difficult to love others. But we can love others as we receive God’s love. And as we grow in God—including in our spiritual and emotional maturity—that becomes the only way we can truly cultivate strong and safe relationships with one another.
Pwede mong dasalin ito, “Lord, gusto kong lumago sa relasyon ko sa Iyo. Turuan Mo ako how to grow in my relationship with others, to love one another katulad ng pagmamahal Mo sa akin. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!