You Are Remembered!
Have you ever felt what it’s like to be left behind by someone you truly care about? Buti ngayon, ang dali na lang ng communication. Sabi nga, ‘just a phone call away!
I still remember a moment from my childhood. I was just 7 years old when my cousins from America came to visit us. Sa amin sila tumira nang isang buong summer. Imagine how happy I was dahil para bang nagkaroon ako ng ate at best friend sa panahong iyon.
But like all good things, those two months came to an end. They flew back to the U.S. And during that time, wala pang cellphone o Internet—just expensive long-distance calls or handwritten letters sent through snail mail. (If you’re about our age, you know this; if you’re still young, baka hindi mo na naabutan ang mga ito!) Pero naisip ng mama ko na i-record ang kanilang mga boses sa isang tape recorder (isa pa itong technology ng mga 1980s).”
Pagkaalis nila, sumulat ako ng maraming letters para sa kanila. Pero alam mo ba, kahit isang sagot, wala akong natanggap! Napakasakit pala nito para sa isang 7–8 year-old na bata, ‘no?
Pero ng mula nang makilala ko si Jesus, unti-unti Niyang binago ang isa kong paniniwala. Ipinakita Niya sa akin through the Bible na hinding-hindi Siya lalayo sa akin at hinding-hindi rin Niya ako iiwan kailanman. (Hebrews 13:5). At dahil naging sugat din ang hindi ako nakatanggap ng sagot sa aking mga sulat, or even throughout an entire lifetime na may mga taong umaalis sa buhay ko na tila hindi na ako naaalala, tinuturuan din ako ng Panginoon ng katotohanang may nakakaalaala pala sa akin.
Ikaw ba, alam mo bang naaalala ka ni Lord? Pwede nating dasalin itong sinabi ni David, “Though my own father and mother forsake me, You remember me, Lord (Psalm 27:10).
Tandaan mo, isa kang miracle!