• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Set 16, 2025

Yes! God can meet you right in your daily grind.

Publication date Set 16, 2025

Animal lover ka ba? Kung lumaki ka sa bukid o sa bahay na may bakuran, malamang ay nakapag-alaga ka ng mga hayop—mga manok, pato, or housepets like dog or cat. Sa aming pamilya, ang panganay naming anak ang nakapag-alaga ng aso at lovebirds.

Sa Bible, si Jesse ay may maraming anak na lalaki, at si David ang pinakabunso. Noong panahong iyon, kadalasan ang bunso ang naaatasan ng trabahong ayaw ng lahat—isn’t that also the case with us? For them, it was tending the sheep. Siguro isa itong nakakapagod na trabaho: araw-araw, kailangang dalhin ang mga tupa sa malalayong lugar kung saan sila makakakain ng damo. Sabi pa nga nila, medyo mahina ang pag-iisip ng mga tupa kaya kailangan talagang bantayan ang bawat isa, ensuring that none of them fell off a cliff or that none of them get trapped among thorns and thickets.

Ito ang buhay ni David noong bata pa siya. Pero alam mo ba kung ano ang nangyari? Habang nandoon siya araw-araw kasama ang mga tupa, he used that time to reflect on God. Bakit namin nasabi ito? Dahil marami siyang naisulat na mga awit na maaaring ginawa niya sa mga panahong nasa labas siya. Basahin natin ang ilang mga halimbawa:

Ipinapakita ng kalangitanang kaluwalhatian ng Diyos!Inihahayag ng kalawakanang gawa ng kanyang mga kamay.Araw-araw, sinasabi ng kalangitanang tungkol dito,gabi-gabi, ipinaaalam ng kalawakanang tungkol sa kanyang kapangyarihan. (Salmo 19:1-2 ASD)

At ito pa:

Ang Panginoon ang aking pastol,hindi ako magkukulang ng anuman.Pinagpapahinga niya akosa malagong damuhan,inaakay niya ako patungosa tahimik na batisan. (Salmo 23:1-2 ASD)

We challenge you today, basahin mo ang mga ito sa kabuuan nila, at alamin mo kung anong klaseng Panginoon ang nakita ni David.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.