Yes, you can grieve and still have hope!😌
Let’s be honest, hindi lahat ng taong nawawala sa buhay natin, nalulungkot tayo. Sometimes, kung ang taong nawala is someone we didn’t have a good relationship with, we might not grieve as much. Pero pagdating sa parents, kahit hindi tayo nagkaroon ng magandang relasyon sa kanila, minsan we still grieve—and we grieve not for what was, but for what could have been.
Pero may isang kakaiba sa pagdadalamhati ng mga tagasunod ni Jesus. Una ko itong nakita nung high school ako, nang namatay ang nanay ng isa kong kaklase. Cancer ang ikinamatay niya, at pumunta ako sa memorial service bago ang funeral. Christian ang pamilya ng kaklase ko, at nagulat ako dahil may mga masasayang kanta sa service, at ang mga sinabi nila sa eulogy, hindi puro lungkot at pagkadismaya. The siblings shared about about looking forward to seeing their mother again in the future.
Hindi ko ito masyadong naintindihan noong panahong iyon. But when I became a Christian and started learning what the Bible says about death, slowly, I began to understand. Hindi ibig sabihin nito na hindi sila nalungkot sa pagpanaw ng kanilang ina. No—when we lose someone we love, it’s perfectly natural to grieve and miss them. Pero may pag-asa pala dahil ang lahat ng sumusunod sa Kanya ay muling magkikita. Let’s read this aloud:
Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo kung ano ang mangyayari sa mga namatay na, nang sa gayoʼy hindi kayo magdalamhati gaya ng iba na walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman nakakatiyak tayo na muling bubuhayin ng Diyos ang mga namatay na sumasampalataya kay Hesus at isasama niya sila kay Hesus sa kanyang pagbabalik. (1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-14 ASD)
Isn’t that good news as we grieve?
Tandaan mo, isa kang miracle!