Worthy ka ba sa love ni Lord? 🫣

Friend, let’s be honest. Do you think Jesus loves you only when you’re performing well? Na kapag hindi ka nagkakamali, doon ka lang Niya mahal na mahal? Or that kailangan mo munang magbagong-buhay bago ka Niya mahalin?
Ngayong linggo na pinag-uusapan natin ang Bibliya na parang love letter ni Lord, let’s also look at the truth about God’s love for us. Ang buong Bible ay isang magandang kwento tungkol sa paglikha ng Diyos sa atin; kung paano nagkasala ang unang taong sina Adan at Eva, at kung paano ito nagdulot ng lahat ng kahirapan sa mundo.
Matapos ito’y ipinapakita na ng Diyos ang lahat ng Kanyang ginagawa upang maibalik ang sangkatauhan sa Kanya. In the first two thousand years, binigyan Niya ang mga Judeo ng mga temple sacrifices, na naglalarawan din ng gagawin ni Jesus sa pagdating Niya sa mundo bilang tao. Kung naaalala mo ang pinag-usapan natin nitong nakaraang ilang araw, ang lahat ng laman ng Bible ay tumutukoy kay Jesus at sa pagbibigay Niya ng Kanyang buhay upang mapalapit tayo sa Kanya.
At kapag inisip natin ang katotohanang namatay Siya para sa atin, we have more good news for you, Friend. Sa tingin mo ba, namatay Siya para sa isang makatwirang ikaw? Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin. (Roma 5:8 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Noong namatay si Jesus para sa iyo, makasalanan ka pa sa panahong iyon. Ibig sabihin, mahal na mahal ka na Niya kahit na hindi pa nagbabago ang buhay mo. Noon pa ay ibinigay na Niya ang buhay para sa iyo. And this is what changes our lives.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

