• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Words can hurt: ❤️‍🩹 na-experience mo ba?

Friend, can you remember an instance kung saan nasaktan ka sa sinabi ng ibang tao? Kahit na sabihin nating hindi iyon sinadyang makasakit sa iyo, it can still hurt you. And it’s hard to navigate this dahil karamihan sa atin, we’re not that aware of the things we say, lalo na sa mga times that we are triggered emotionally. 

Ikaw ba, Friend, intentional ka ba sa pagsasalita? Aware ka ba kapag may nasabi kang nakaka-hurt sa iba, o kapag may nasabi kang nagbibigay-buhay? 

Sa family namin, we can’t always be perfect in the words we say either. May times na, kapag nagalit o nasaktan kami, nakakapagsalita din kami ng mga hurtful words to each other. After nun, kapag kalma na ulit kami, nagso-sorry kami sa mga masamang nasabi, dahil alam naming hindi iyon ang gusto ni Lord na lumabas sa aming mga bibig. 

But we want to develop the habit na pinipili naming magsalita ng makakatulong sa ibang tao. Hindi ito madaling gawin, but we were inspired by this Bible verse:

Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling. (Kawikaan 12:18 ASND

Friend, gusto mo rin bang makasanayan ang magsalita ng kind and healing words? Maaari natin itong i-practice. Kumuha ng papel o notebook; isulat mo ang pangalan ng tatlong taong araw-araw mong nakikita. Then, ask the Lord kung ano ang isang bagay na pwede mong sabihin sa mga taong ito that can encourage them. Isulat ito, at maghanap ng pagkakataong masabi ito sa kanila, whether verbally or through text or chat. The more we do this, the more it becomes a habit. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.