With or without miracles, He is for you! 🤩

Try to imagine this: mga bulag na biglang nakakakita, mga pilay na biglang nakakalakad, mga maysakit na gumaling, tapos pati patay, nabuhay ulit! Grabe, super unbelievable, diba? Those are just some of the miracles na ginawa ni Lord nung nandito Siya sa mundo bilang tao. Pero sa panahon natin ngayon, parang ang hirap paniwalaan na mangyayari pa ang mga ito.
Sa totoo lang, kahit ngayon, may mga moments pa ring nagpapakita si Lord ng mga ganitong himala. Minsan nga lang, ang hirap intindihin kung bakit may mga taong nakakatanggap ng miraculous healing, while others don’t. But whether or not a person receives instant, miraculous healing, it doesn’t change the truth of who God is.
As we close our series for this week, “His ways are higher than our ways,” let’s read this passage from the Bible:
Hindi nʼyo ba alam?Hindi nʼyo ba narinig?Ang Panginoon ang walang hanggang Diyosna lumikha hanggang sa dulo ng mundo.Hindi siya napapagod o nanghihinaat walang nakakaarokng kanyang pang-unawa.(Isaias 40:28 ASD)
In this verse, we see the limitless power of God, na Siya ang lumikha ng lahat — as in, everything, hanggang sa dulo ng mundo. Nakikita rin natin na hindi Siya napapagod o nanghihina, which means kaya Niyang gawin kahit ano, including the miraculous healing we pray for. Pero, nasabi rin dito na “Walang nakakaarok ng kanyang pang-unawa.” Hindi ba’t ito ang kailangan nating marinig — lalo na sa mga panahon na hindi natin gets kung bakit may mga bagay na pinipili Niyang gawin… o hindi gawin?
Kung nasa panahon ka ngayong may hinihinging himala sa Panginoon na hindi pa dumarating, sana makapagpalakas ito sa’yo: kayang-kaya ni Lord gawin ang lahat — pero kahit ‘yung mga bagay na hindi Niya ginagawa, it’s still because mahal ka Niya at para ‘yun sa ikabubuti mo.
Tandaan mo, isa kang miracle!

