• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Set 13, 2025

Wishlist pa more? 😇

Publication date Set 13, 2025

Imagine this: you found a bottle, you rubbed it, and a genie came out and gave you 3 wishes — what would they be? Di ba mahilig tayong mag-isip ng ganito noong bata pa tayo? Ako siguro, ang hihingin ko ay books, art supplies, at musical instruments!

Narinig mo na ba ang kwento ni Solomon? Nagpakita ang Panginoon sa kanya sa isang panaginip, at tinanong siya kung ano ang isang bagay na gusto niyang hingin kay Lord. Kahit ano daw, ibibigay ni Lord. Naku, kung sa’yo kaya nangyari ’to? Baka matagalan ka rin sa pag-iisip kung ano ang kaisa-isang bagay na gusto mong hilingin kay Lord.

Ito ang sagot ni Solomon:

“Kaya bigyan nʼyo po ako ng karunungan upang pamahalaan ang inyong mga mamamayan at kaalamang malaman kung ano ang mabuti at masama. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa inyong mga mamamayan na napakarami? (1 Mga Hari 3:9 ASD)”

Ikaw ba, kaya mo ba ito? Na hindi humingi ng kayamanan, or good health, or a happy family? Pero tingnan natin kung ano naman ang sagot ni Lord kay Solomon:

…ibibigay ko sa iyo ang kahilingan mo. Bibigyan kita ng karunungang kapantay at kaalaman na hindi pa naangkin ng kahit sino, noon at sa darating na panahon. Bibigyan din kita ng hindi mo hiningi, ang kayamanan at karangalan upang walang hari na makapantay saʼyo sa buong buhay mo. (1 Mga Hari 3:12-13 ASD)

Nakikita mo ba kung gaano mapagbigay ang Panginoon natin? Binigay pa Niya kay Solomon ang mga bagay na hindi nito hiningi.

Let’s pray this together, “Lord, salamat at isa kang mapagbigay na Panginoon. Nagbibigay ka nang higit pa sa hinihingi ko. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.