Will you let Him transform you? 🥰
Whether from other people or even from our family, madalas nating marinig ang “mana ka talaga sa…” kapag may nakikita tayong ugali o kilos na katulad ng sa iba. Malamang alam mo rin ang saying na “like father, like son,” or even the question of “nature versus nurture”—ang mga ugali ba natin ay dahil sa dugo o genes, or we get them from the environment we grow up in? Ikaw, kanino ka ba nagmana?
Alam mo ba na isa itong mahalagang resulta ng “Growing in God”—our becoming more like Christ? Let’s see what the Bible says:
Sapagkat alam na ng Diyos noon pa man kung sino-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Hesus upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. (Mga Taga-Roma 8:29 ASD)
Makikita natin dito na nais talaga ni Lord na maging katulad tayo ni Jesus. Inilarawan Niya ito na parang magkakapatid sa isang pamilya. At tulad din ng question ng nature versus nurture, tingnan natin itong nakasulat sa Bible:
At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya. (2 Mga Taga-Corinto 3:18 ASD)
Nakikita mo ba? Hindi biglaan ang pagiging katulad ni Jesus. Unti-unti Niya tayong binabago hanggang sa tayo’y maging kagaya Niya. This transformation happens the more we get to know Him and see what He is like. As we encounter more of His love, grace, and mercy, we also become more loving, more gracious, and more merciful toward others.
Let’s pray this, Lord, tulungan Mo akong maging katulad Mo. Salamat na Ikaw ang unti-unting bumabago sa akin hanggang sa maging katulad Mo.”
Tandaan mo, isa kang miracle!