Who's Really In Control?
Nangyari na ba sa'yo na planado na ang lahat tapos biglang may naganap na hindi mo expected? Yung excited ka na sa magiging result pero hindi natupad ang gusto mo.
Nakakadiscourage, 'di ba? Lalo na kapag malinaw sa isip mo ang inaasahan mong mangyayari, pero hindi mo maintindihan kung bakit hindi ito dumarating.
Kaya ang tanong, how do you respond when things don’t go as planned? Natural lang na makaramdam ng frustration or to be discouraged. But do we stay in discouragement?
May magandang paalala sa atin ang Salita ng Diyos. Sabi sa Salmo 46:10 ASD:
Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.Akoʼy pararangalan sa mga bansa.Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”
The first verse goes, “Be still, and know that I am God.”
Ang pagiging still ay hindi lang tungkol sa paghinto sa mga ginagawa natin. Ito rin ay ang pananahimik sa presensya ng Diyos.
What if, sa mga panahong parang wala ka nang magawa, we let the Lord have control? Nagsisimula ito sa pag-amin na Siya ang Diyos. Siya ang lumikha sa buong mundo. Ito’y Kanyang nilikha, at Siya rin ang may control over it.
And the good news is, hindi natin ibinibigay ang control or power sa isang taong hindi natin maaasahan. Ipinagkakatiwala natin ang ating mga alalahanin sa isang Diyos na hindi lang makapangyarihan at marunong, kundi lubos ding nagmamahal sa atin.
Today, dalhin natin sa Kanya ang mga pinagkaabalahan natin, mga alalahanin, at iwan ang mga ito sa Kanya. Ikuwento mo sa Kanya ang mga takot, tanong, at frustrations mo.
Sabi nga sa 1 Pedro 5:7, “Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.”
Kaya, kapag hindi nangyayari ang mga bagay ayon sa plano mo, paano mo mapipiling magtiwala sa Diyos sa halip na mag-alala sa mga bagay na hindi mo kontrolado?
Tandaan mo, isa kang miracle!