When You're Tired of Being You
May mga araw ba na parang sarili mong ugali ang kalaban mo? Na ikaw mismo, naiinis sa ugali mo? Yung alam mong gusto mong maging patient, pero mabilis kang mainis. Gusto mong maging strong, pero napapagod ka rin. Minsan, naiisip mo tuloy, “Bakit kaya hindi na lang ako maging katulad ng ibang tao?”
Nakakapagod, 'di ba? Lalo na kapag pakiramdam mo, paulit-ulit na lang ang struggles mo. If that’s you today, sending you a hug! Pero alam mo ba na kahit sa gitna ng mga paghihirap na ito, may magandang bagay na maaaring mabuo sa buhay mo?
In times of hardship, we can discover another facet of God. Minsan, sa mga panahong mahina tayo at hindi na natin alam ang gagawin, nagiging pagkakataon ang mga struggles natin para mas mapalalim ang relasyon natin sa Kanya, mas makilala Siya, at maranasan ang Kanyang presensya sa mas malalim na paraan.
Pwedeng alam mo na ang Panginoon ang iyong Tagapagtanggol at na nagmamalasakit Siya sa iyo. Pero ibang usapan kapag natutunan mong mamuhay ayon sa katotohanang iyon, lalo na sa mga panahong nahihirapan ka.
Paano natin ito maisasabuhay kapag mabigat na ang lahat at hindi na natin alam ang gagawin? May magandang paalala sa atin ang Salita ng Diyos:
“Cast all your anxiety on Him because He cares for you.” (1 Peter 5:7, NIV)
Alam mo bang isa pala itong attitude of heaven—ang matutong ipagkatiwala ang lahat sa mga kamay ng Diyos? Maaari mong punasan ang iyong mga luha, muling bumangon, at ipaubaya sa Kanya ang lahat ng bumabagabag sa iyo.
Hindi ibig sabihin nito na biglang mawawala ang lahat ng problema mo. Pero sa bawat pagkakataong pinipili mong magtiwala sa Kanya, natututo kang kumapit sa Kanyang pagmamahal sa halip na magpadala sa iyong mga alalahanin. At Siya, na iyong Ama sa langit, ang Siyang mag-aalaga sa iyo. Yes, He will.
Kaya, ipanalangin natin ito:
“Lord, ibinibigay ko sa Iyo ang lahat ng pag-aalala ko ngayon. Your ways are higher than mine. I choose to let go and trust You. Salamat dahil ginagamit Mo maging ang mga paghihirap ko upang mas mapalapit ako sa Iyo. In Jesus’ name, amen.”
Sa mga struggles na kinakaharap mo ngayon, ano ang kailangan mong ipagkatiwala sa Diyos upang mas maranasan mo ang Kanyang pagmamahal?
Tandaan mo. Isa kang miracle!