What is the Bible about? ✝️

Friend, nagbabasa ka ba ng Bible? Noong bata ako, hindi nakasanayan sa pamilya namin ang magbasa ng Bible. Kaya noong sinubukan kong basahin ito, ang nakuha kong Bibliya ay napakaliit, na may napakanipis na papel sa loob, na napakaliit at napakahirap pang intindihin ng mga salitang nakasulat. At dahil hindi ko alam kung tungkol sa ano ito, hindi rin ako nagtagal sa pagbabasa nito.
Nung nasa high school na ako, binilhan ako ni mama ng mas malaking Bible, na may mga larawan sa loob, at mas madali ng intindihin ang pagkakasulat dito. Doon nagsimula ang aking pagkilala kay Jesus; unti-unti kong naintindihan na ang buong Bible pala ay— higit sa lahat — tungkol sa Kanya.
Friend, tingnan natin ito:
Sinasaliksik nʼyo ang Kasulatan sa pag-aakala na sa pamamagitan nitoʼy magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang Kasulatan mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin (Juan 5:39 ASND)
Hindi ba para sa marami sa atin, ang unang iniisip natin kapag Bible ang pinag-uusapan ay, isa itong paraan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan? Ang totoo pala, ito’y nagpapatotoo tungkol kay Jesus, na Siyang nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan. That means we can approach the Bible with the perspective of getting to know Jesus.
Dito nagsisimula na, kapag nagbasa tayo ng Bible, maaari nating gamitin ito bilang umpisa ng pakikipag-usap sa Kanya. For example, when you read about creation, you can thank Him for the beautiful things He made. When you read about a shepherd taking care of sheep, you can thank Him for taking care of you.
Friend, maaari mong dasalin ito ngayon: “Jesus, gusto kong mas makilala Ka. Buksan Mo ang mata ng aking puso na makita ka sa bawat kwentong mababasa ko sa Bible. Give me wisdom and understanding to know You more. Amen.”
Friend, isa kang miracle!

