What If You're Called Too?
Na-experience mo na bang tingnan ang ibang tao at isipin, “Ang galing naman niya! Parang siya talaga ang pinili ni Lord para gumawa ng great things. Ako kaya, may ganito ring purpose?”
Minsan, naiisip natin na para lang sa mga espesyal, talented, o confident na tao ang magandang kinabukasan at ang pagtawag ng Diyos. Pero alam mo ba? Hindi lang sila ang may bahagi sa mga plano ni Lord! Everything God has for you isn't reserved for others. Bilang anak Niya, may inheritance ka rin sa Kanya.
Let’s read this passage from the Bible:
Kaya sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Kailan nʼyo pa ba sasakupin ang natirang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng mga ninuno nʼyo? (Josue 18:3 ASD)
Parang sinasabi ni Josue, “Hanggang kailan kayo maghihintay? Panahon na para kumilos!”
It's time to rise up, move forward, and take steps of faith toward what God has called you to do! Huwag kang mag-atubiling sumunod sa Kanyang direksiyon. Panghawakan mo ang Kanyang Salita at magtiwala sa Kanyang katapatan.
Pero hindi mo kailangang makita muna ang buong plano bago ka sumunod. Minsan, ang next step mo ay nagsisimula sa isang simpleng prayer, isang desisyong sumunod, o isang hakbang ng pananampalataya kahit hindi mo pa alam ang buong picture.
Kaya ngayong araw, huwag mong maliitin ang calling, you can move into your destiny. Hindi mo man alam ang lahat ng mangyayari, maaari kang magtiwala sa Kanyang katapatan.
Dasalin natin ito:
“Lord, salamat sa lakas at buhay na nagmumula sa Iyo. Ayokong sayangin ang calling Mo sa akin. Today, I choose to step out in faith and walk in the purpose You have prepared for me, trusting that You will guide and strengthen me along the way. In Jesus’ name, amen.”
Ano ang isang hakbang ng pananampalataya na maaari mong gawin ngayon upang simulan ang paglakad sa purpose na inilaan ng Diyos para sa iyo?
Tandaan mo, isa kang miracle!