• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Set 26, 2026

What If God Chose You?

Publication date Set 26, 2026

Have you ever looked at your life and thought, “May maitutulong ba talaga ako sa iba?” 

Minsan kasi, madaling isipin na kailangan muna nating maging successful, talented, influential, or “important” bago tayo magamit ng Panginoon. Pero may isang story sa Bible na nagpapaalala sa atin na hindi pala gano’n.

Meet Gideon.

Hindi siya mukhang someone na gagamitin ng Diyos para gumawa ng malaking bagay. Ang pamilya niya ay isa sa mga pinakamaliit sa Israel, at hindi siya mahalagang tao sa kanilang komunidad. 

Pero, tinawag siya ng Panginoon, at ito ang sinabi sa kanya: 

“Ikaw, magiting na sundalo, ang Panginoon ay sumasaiyo.”

Sumagot si Gideon, “Ipagpaumanhin po ninyo, Ginoo, pero kung sumasaamin nga ang Panginoon, bakit ganito ang nangyari sa amin? Bakit hindi na siya gumagawa ng mga kababalaghang gaya ng ikinuwento sa amin ng aming mga ninuno, kung paanong inilabas niya ang mga ito sa Ehipto? Ngunit ngayon, pinabayaan na kami ng Panginoon at ipinaubaya sa mga Midianita.”

Sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Humayo ka at gamitin ang buong lakas mo sa pagliligtas sa Israel mula sa mga Midianita. Ako ang nagsusugo sa iyo.”

Sumagot si Gideon, “Ngunit paano ko po maililigtas ang Israel? Ang pamilya po namin ang pinakamahina sa lahi ni Manases at ako naman po ang pinakaaba sa pamilya namin.”

Sumagot ang Panginoon, “Tutulungan kita at lilipulin mo ang mga Midianita na parang nakikipaglaban ka lamang sa isang tao.” (Mga Hukom 6:12-16 ASD) 

Nakikita mo ba? Gideon saw his limitations. God saw his assignment. Minsan, nakatingin tayo sa kung ano ang kulang sa atin—our weaknesses, insecurities, failures, and limitations. Pero ang Diyos, nakikita Niya kung ano ang kaya Niyang gawin through our lives.

Kaya, maybe you feel small today. But remember: you don’t have to be great for God to use you. You simply have to be willing. 

Pwede mong dasalin ito, “Lord, alam kong maliit lang ako. Pero kayang-kaya mong gamitin ang buhay ko sa ikabubuti ng iba. Gamitin mo, Lord. Amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.