What do you think is the expression on God’s face? 🤔

Friend, if I were to ask you, what kind of expression do you think is on God’s face, ano kaya ang isasagot mo? Noong bata ako, meron akong larawan sa kwarto ko ng isang Jesus na parang… galit o nadismaya. Hindi nakangiti, at ang mga mata sa larawang ito ay parang nakasunod kahit saan ka pumunta. Baka meron ka rin ng larawang iyan. Parang… nakakatakot, hindi ba?
Pero alam mo ba na hindi pala ganun ang nasa mukha ng Panginoon? Noong nakilala ko si Jesus at nag-umpisang magbasa ng Bible, nakikita ko ang mga paglalarawan sa Panginoon bilang isang masayahing Diyos. Halimbawa, in the Gospel of Matthew, Jesus shares a parable about servants being entrusted with the master’s goods, and after the master returned and checked on them, ito ang sinabi niya sa mga mabuting alipin:
Sumagot ang kanyang amo: ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi rin sa aking kaligayahan!’ (Mateo 25:23 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Ang Panginoon natin ay puno ng kaligayahan, at hindi lang iyon, gusto Niyang makibahagi rin tayo sa kaligayahan Niyang ito! Hindi ba’t nakakatuwang isipin? Hindi pala si Lord laging galit o laging nadidismaya sa atin, but instead, His default mode is joy and happiness.
Can you imagine that, Friend? How does it change how you view your life? Hindi ibig sabihin na natutuwa Siya sa mga kasalanan mo, pero He knows how to differentiate between the person and the action. Kaya pwede pa rin Siyang matuwa sa iyo as a person, dahil masiyahin Siyang Diyos.
Let’s pray this together, Friend, “Lord, gusto kitang makilala bilang isang masiyahing Panginoon. Ipakilala mo ang sarili sa akin. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

