What do you think about death?😕

Friend, what do you think about death? Ito siguro ang isa sa mga pinakamalalim na pwedeng pag-usapan. If you’ve experienced a loved one passing away, surely it brought about a mix of emotions.
May isang nangyari sa Bible kung saan namatay si Lazarus, ang minamahal na kapatid nina Mary at Martha. Kung familiar ka sa kwento ni Jesus, sina Mary at Martha ay nabibilang sa mga matalik na kaibigan ni Jesus. Noong nagkasakit si Lazarus, ipinaalam nila kay Jesus at hinintay ang pagdating si Jesus upang pagalingin si Lazarus. Pero ano ang ginawa ni Jesus? Pinili Niyang manatili pa ng ilang araw sa lugar kung nasaan Siya, kaya nung dumating Siya, patay na si Lazarus.
Kung ikaw kaya ang nasa lugar nina Mary at Martha, ano kaya ang iisipin mo? Sa kanila, nalungkot sila sa pagkamatay ng kanilang kapatid, at makikita sa Bible na nasaktan din sila sa matagal na pagdating si Jesus. Ngunit may napakahalagang ipinakita si Jesus sa kanila sa nangyaring ito. Let’s read this aloud:
Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. (Juan 11:25 ASND)
Nang sinabi ito ni Jesus, ang sagot ni Martha ay, alam niyang bubuhayin ni Jesus ang lahat ng namatay sa katapusan ng lahat, “at the end of the age.” Pero ang nangyari pala, matapos nilang mag-usap, inanyayahan sila ni Jesus na pumunta kung saan inilibing si Lazarus—and, believe it or not, binuhay Niya ulit ito!
Totoo nga naman, Friend. Si Jesus ang bumubuhay ng namamatay, at Siya rin ang nagbibigay ng buhay. So we can have a hope for His coming again when He makes all things right.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

