What do we do with our feelings? ☺️
Friend, kumusta ang experience yesterday of embracing your feelings about crisis? Masakit? Mahirap? OK lang, ganyan talaga kapag may mga mabibigat na damdamin tayo. The good news is, hindi tayo mananatiling nakalubog sa mga damdaming ito. The third step in managing crisis in a way that helps in our transformation is this: to offer it to God.
Naaalala mo ba ang sinabi namin kahapon tungkol sa Psalms? Ito’y isang aklat sa Bible that’s a collection of songs written by different people. Pero kahit iba-iba ang sumulat ng mga ito, they have a common theme: nakasaad dito ang iba’t-ibang damdamin ng tao, including feelings like joy and happiness, but also great sadness, anger, and confusion. But the good news is, ipinapakita din ng mga ito kung paano nila ibinibigay ang mga damdaming ito kay Lord.
Ito rin ang nais naming matutunan mong gawin! Walang mali sa pagtanggap sa ating mga damdamin, pero it’s crucial that we practice sharing these feelings with the Lord.
Here are our recommendations on how to do this:
-
Give God your feelings: sabihin mo sa Kanya ang lahat-lahat, na walang itinatago;
-
Ibigay sa Kanya ang iyong mga kahilingan: sabihin mo ang totoong gusto mo, ang maganda at ang hindi masyadong maganda;
-
Ibigay sa Kanya ang iyong tiwala: ibigay sa Kanya ang puso mo; yield yourself to God and His will for your life.
Sana makatulong ito sa iyo sa pagbibigay ng mga damdamin mo sa Kanya. Maaari mo ring i-pray ito: “Lord, ngayon nakakaramdam ako ng ________. Masakit isipin na ____________. Pero dinadala ko ito sa Iyo. Tulungan Mo ako sa damdaming ito. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!