What Are Your Priorities?
Kakasimula pa lang ng araw mo pero parang pagod ka na. May meetings, schoolwork o trabaho, family responsibilities, errands, messages na kailangang sagutin—and before you know it, gabi na. Nakakaranas ka rin ba nito? Ang bilis maubos ng araw natin sa daming kailangang gawin.
Ang dami mong nagawa, pero may isang bagay na tila naiwan: ang oras mo para kay God.
Alam naman siguro natin na kapag hindi tayo nag-iingat, madaling ma-overwhelm sa dami ng nangyayari sa buhay natin. And it’s not just about feeling overwhelmed—when life gets too busy, it can also affect our walk with God. Kapag sobrang busy natin, minsan nauubusan tayo ng time para mag-pause, mag-connect, at mas mapalalim ang relationship natin with Him.
At baka familiar sa’yo ito: “Mamaya na ako magpe-pray.” Pero dumating ang gabi, pagod ka na, at nakalimutan mo na.
Hindi ka nag-iisa. Marami sa atin ang dumadaan dito.
Kaya magandang balikan ang example ni Daniel.
Si Daniel ay isang mahalagang government official noong panahon ni King Darius. Busy siya, maraming responsibilities, at may mga taong gustong ipahamak siya. Nang maglabas ng utos na bawal manalangin sa ibang diyos, hindi niya hinayaang mawala ang nakasanayan niyang pakikipag-usap sa Diyos. (Mababasa ito sa Daniel 6:8-12)
Nakikita mo ba? Hindi naging dahilan ang busyness o opposition para makalimutan niya ang Diyos. Napakalaki ng kanyang dinadala at ang dami niyang professional responsibilities pero hindi naging hadlang iyon sa pagpili niya na palaguin ang relationship niya with God. Ayon sa Bible, tatlong beses siyang nanalangin bawat araw.
Prayer is more than another item on our to-do list. It is an opportunity to come before God, draw near to Him through Jesus, and bring whatever is in our hearts. It is the foundation of our relationship with God.
Ikaw ba, ano ang mga priorities mo? Kasama ba dito ang pananalangin?
Starting today, make time each day to talk with God. Kahit ilang minuto lang, huminto ka muna at lumapit sa Kanya.
Tandaan mo, isa kang miracle!