• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 6, 2026

Love Starts With You

Publication date Hul 6, 2026

A few months ago, may isinulat akong article online tungkol sa self-care, at hindi ko inaasahan na may mga magtatanong kung bakit namin tinuturuan ang mga tao nito. Para sa iba, parang ang self-care ay kabaligtaran ng gusto ng Diyos—na dapat daw nakakalimutan na natin ang sarili natin at puro kapwa lang ang iniisip. Nakakalungkot na may ganoong misconception tungkol sa Diyos, pero naiintindihan din namin, kasi kami rin, dumaan sa ganitong klase ng pag-iisip. 

Noong bata pa ako, lagi akong may tanong kung paano ako makakatulong sa mundo. Paborito kong laro kasama ang kuya ko ay magpanggap na titser at estudyante. (Ako lagi ang titser, kahit mas matanda siya sa akin!) Noong nagtapos ako ng college na may business degree, iniisip ko pa rin kung anong trabaho ang makakapagbigay ng mas malaking tulong sa ibang tao. Doon ako bumalik sa dati kong nilalaro, ang maging teacher. Kaya kumuha ako ng Diploma in Teaching, at hindi ko inakala na magiging homeschool mom pala ako balang araw! 

At hindi biro ang maging nanay, di ba? Lalo na kapag buong araw kang naka-focus sa pag-aalaga ng mga anak. Sa homeschooling, wala ring “school break” na magbibigay sana ng oras para sa sarili. Nakikita ko ito hindi lang sa buhay namin, kundi pati sa ibang pamilyang pareho ring nagho-homeschool.

Kaya mas lalong naging mahalaga ang self-care. Mas naiintindihan ko ang sinasabi sa Bible na “love your neighbor as you love yourself” (Mark 12:30–31)—mahirap palang magmahal ng iba kung hindi natin mahal at inaalagaan ang ating sarili!

At hindi lang ito para sa mga nanay—para ito sa lahat, especially these days when so many things demand our attention.

Friend, in what way can you set aside time to yourself? Kasi kapag inaalagaan mo rin ang sarili mo, mas nagiging buo ang kaya mong ibigay sa iba, at mas nagkakaroon ka rin ng oras para sa Diyos.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.