Want to Be a Blessing?
Naisip mo na ba kung blessing ka rin sa buhay ng ibang tao? Sa mga ginagawa mo araw-araw, may buhay ka bang napapabuti, kahit sa simpleng paraan?
Recently, I found myself thinking about the things that make me come alive and that I want to share with others—music, art, writing stories and poetry, and reading excellent books. Ito ang isang dahilan kung bakit nagustuhan ko ang homeschooling, dahil ang Charlotte Mason method na sinusunod namin ay nagbibigay ng malaking emphasis sa mga bagay na ito.
Pero hindi sa lahat ng panahon, naibabahagi ko ang mga ito. Minsan, hindi natin nagagawa ang mga gusto natin, o nakakalimutan nating gamitin ang mga regalong ipinagkaloob sa atin ng Panginoon dahil sa mga pagsubok sa buhay.
Kaya naman, habang pinag-uusapan natin this week ang series na “You’re a Blessing,” naisip ko: What if the things that make us come alive are also some of the ways God wants us to bless others?
Naniniwala ka bang inilagay ng Panginoon sa puso natin ang desire to do good and to make the world a better place? Hindi man natin laging nagagawa ang lahat ng gusto nating maitulong, hindi ibig sabihin na wala na tayong magagawa.
Sabi nga sa Tito 2:14 ASD:
Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at linisin tayo upang maging bayang pag-aari niya na masigasig sa paggawa ng mabuti.
Dahil ibinigay ni Jesus ang Kanyang sarili para sa atin, tinawag din tayong mamuhay nang masigasig sa paggawa ng mabuti. At kapag napapagod tayo o pinanghihinaan ng loob, maaari tayong humingi ng tulong sa Kanya para magpatuloy.
You can pray, “Lord, sometimes it’s hard to keep going. Pero alam kong tutulungan Mo ako. Amen.”
Your destiny is before you. You have beautiful things to do.
Ngayon, ano ang regalong inilagay ng Panginoon sa buhay mo na maaari mong gamitin para maging blessing sa iba?
Tandaan mo, isa kang miracle!