Wanna live forever? Yeah…same. Let’s talk about it. 🥳

Ever got that feeling that life is just too much? Like, everything is going wrong all at once, and this world is just all messed up. Ang lalim isipin di’ba? Tapos wala naman tayong magawa. Let’s say someone close to us gets seriously sick, or when we come face to face with widespread violence and chaos around us— it’s hard not to feel hopeless, diba? Mapapatanong ka talaga: is there even any good left in the world?
At hindi lang pala tayo ang nakakaramdam ng ganito. In our series this week, “Buhay na Walang Katapusan,” basahin natin ang isang liham na isinulat ni Apostle Paul para sa mga taga-Corinto:
Habang gamit pa natin ang ating katawang panlupa, dumadaing tayo at nahihirapan, hindi dahil sa gusto na nating mamatay kundi dahil sa gusto na nating magkaroon ng bagong katawan. Sa ganitong paraan, mapapalitan na ang katawan nating namamatay ng hindi namamatay. Ang Diyos na rin ang siyang naghanda sa atin para tanggapin natin ang bagong katawan, at bilang katiyakan, ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu. (2 Mga Taga-Corinto 5:4-5 ASD)
Paul felt it too — he and the early church knew what it meant to be burdened in this life. At sa sulat niya, pinapaalala niya sa mga tagasunod ni Jesus na totoong dumadaing talaga tayo ngayon. Dahil may hinahanap tayong mas mabuti — ang pagpapalit ng katawan nating namamatay ng isang katawang hindi na mamamatay. At ang maganda dito? Ang Panginoon mismo ang naghahanda Nito para sa atin. At higit pa doon, He gave us the Holy Spirit as a guarantee that it will surely come to pass.
Can you imagine that? You WILL have a body that never dies! Turns out, hindi pala joke ang desire natin to live forever. It’s something deeply rooted in us.
Tandaan mo, isa kang miracle!

