Unfailing Love—Ito Ba ang Hanap Mo?🤗
Madali ka bang maapektuhan ng mga pagbabago sa buhay?
I’m reading a book about a 6-year-old girl named Pat na ayaw na ayaw sa pagbabago. Sa simula ng kuwento, nagkaroon siya ng bagong kapatid at natakot siya na baka hindi na siya mahalin ng kanyang mga magulang tulad ng dati. Pagkatapos, ikinasal pa ang paborito niyang tiyahin na kasama nila sa bahay. Her parents and nanny insisted that she should not cry, kaya ginawa niya ang lahat para mapigilan ang pagluha sa araw ng kasal nito.
Bakit ko ito naikuwento? Sabi nga, our world is in constant change, at masakit mawalan ng mahal sa buhay because of these changes. The good news is that ang Panginoon at ang pagmamahal Niya ay isang bagay na hinding-hindi nagbabago. That’s why we want to focus this week on “God’s Unfailing Love.”
Let’s read what the Bible says:
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. (Mga Taga-Roma 8:38-39 ASD)
Nakikita mo ba? Kahit ano pa ang mangyari sa buhay natin, walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Idinetalye pa niya rito ang lahat ng posibleng maging hadlang sa Kanyang pag-ibig, kaya nakatitiyak tayo na hindi kailanman mawawala ang pag-ibig Niya para sa atin.
Let’s pray this, Lord, thank You that Your love never fails. Nandiyan Ka sa lahat ng madadaanan ko, at walang makapaghihiwalay sa akin sa pag-ibig Mo.
Tandaan mo, isa kang miracle!