Transformation: Ano ba ito? π

Election Day today, Friend! If you’re 18 years old and above, bumoto ka na ba? Malamang, katulad ng halos lahat ng taong bumoboto tuwing eleksyon, you’re hoping that whoever wins the election, makakatulong sa pagdala sa bansa natin towards transformation.
Alam mo bang may transformation ding maaaring mangyari sa buhay mo, Friend? Ito ang bagong series natin ngayong linggo: kung paano tayo magkaroon ng transformation sa buhay natin.
Ngunit anong klaseng transformation ba ito? Sa behavior lang ba, o transformation of the heart?
May pagkakaiba ang tinatawag na heart transformation at behavior modification: for behavior modification, ang tinitingnan lang natin ay ang mga panlabas na ginagawa ng isang tao. Minsan magagawa nga ito nang madalian pero kadalasan ay madali rin itong nawawala at bumabalik sa dati. Samantala, ang heart transformation naman ay totoong pagbabago sa puso, at ito ang mas nananatili sa mahabang panahon.
Friend, let’s read this verse aloud:
At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Banal na Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoΚΌy maging katulad niya. (1 Corinto 3:18 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? May totoong pag-asa pala tayong magbago, at hindi lang sa panlabas na anyo, kundi sa buong puso natin, dahil ang Panginoon mismo ang nagbibigay ng pagbabagong ito. Sa verse na ito, ipinapakita Niyang ang Kanyang Banal na Espiritu ang Siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayo’y maging katulad Niya. Hindi ba good news ito?
Friend, let’s pray this together: “Lord, I want to be transformed into Your image. Tulungan mo akong magbago hindi lang sa panlabas na anyo kundi nang buong puso. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

