totoo! 😍 Special ka sa Kanya!

paano mo ba masasabing mapagbigay ang isang tao? Kapag palagi ba siyang nagbibigay ng regalo? Laging tumutulong? Laging nagseserbisyo? Tama naman, mga palatandaan nga ‘yan ng pagiging mapagbigay. But did you know there’s one more sign?
Sa tingin namin, ang isa pang mahalagang paraan para malaman kung totoong mapagbigay ang isang tao ay kapag nagawa niyang ibigay sa iba ang pinakamahalaga sa kanya. Madalas, nagagawa lang natin ito sa mga taong mahal natin, hindi ba?
Pero alam mo bang ganito pala ang ginawa ng Panginoon para sa atin? Sa tingin mo, ano kaya ang pinakamahalang bagay—o sino kaya ang pinakamahalagang tao—para sa Kanya?
Hindi ba't ang pinakamamahal ng Panginoon ay ang sarili Niyang Anak—si Jesus? But let’s look at what the Bible says:
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay. (Mga Taga-Roma 8:32 ASD)
when was the last time someone gave you the most precious thing they had?
Let’s pause for a moment and let this sink in.
The God of the universe did not withhold His own Son, but gave Him up for you. Yes, para sa’yo. Ganoon ka kahalaga sa Panginoon. Ibinigay Niya ang pinakamamahal Niyang Anak bilang kabayaran sa mga kasalanan mo. Ganoon kalaki ang pagmamahal Niya sa iyo.
Today, let’s do something. However you want to thank the Lord, gawin mo ’yon. Pwede mong isulat sa journal, kumanta kasabay ng isang worship song sa YouTube, o ipagdasal mo sa Kanya. Practice it in the way that feels most comfortable for you.
Tandaan mo, isa kang miracle!

