Too much drama? Kailangan mo ba ng peace? 🕊️
Pamilya o magkakaibigang never nag-away? Parang wala namang ganon. Kahit sa amin, minsan may tampuhan o di pagkakaintindihan. Ang hirap nito, lalo na kung Christmas. Season of get-togethers at family reunions ito, ‘di ba? Pero paano kung may magkapatid o magkaibigang hindi okay? Ang awkward ata—though masaya ang marami, ramdam mo pa rin ang tension sa paligid. Sa inyo ba, may ganyan din?
Kaya sa tingin namin, maraming tao ang humihiling ng kapayapaan ngayong Pasko. And we’re happy to take a look at peace as one of God’s “Good Gifts this Christmas.”
Tingnan natin itong lyrics sa Christmas carol na Hark the Herald Angels Sing:
Hark! The herald angels sing, "Glory to the new-born kingPeace on earth and mercy mild, God and sinners reconciled"
Nakikita mo ba? Gusto pala tayong bigyan ni Lord ng kapayapaan. Ibinigay Niya ito noong ipinadala Niya ang Kanyang Anak bilang sanggol. At tungkol sa kapayapaang ito, ito pa ang sinabi Niya:
Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. (Juan 14:27 ASD)
At alam mo ba? Ang peace na ito ay hindi lang peace with other people, but also peace with God Himself — the One from whom we’ve all been separated. At kung kaya Niya tayong ibalik sa Kanya, who is holy, surely He can also help us be reconciled with our fellow man too.
Let’s pray this: “Lord, thank You for giving us peace. Kailangan namin ang kapayapaan Mo sa araw-araw naming buhay.”
Tandaan mo, isa kang miracle!