Think You’re Ordinary? Discover Your True Worth.🤗
Kapag tinanong ba kita ng, “How valuable do you think you are?”, kaya mo ba itong sagutin agad? Hindi naman natin maaaring ikumpara ang ating mga sarili sa mga bagay o sa pera. Sabi nga, we are priceless. Ngunit kapag tayo ay nasa isang sitwasyon kung saan may nakasakit sa atin, minsan ay hindi natin maiwasang magtanong kung totoo bang may halaga tayo. Ganyan ka din ba?
This week, we begin our series, “Discovering Your True Worth: Uncovering the Value God Sees in You.” Our prayer is that you will begin to see yourself with confidence and grow secure in how truly valuable you are.
Let’s read this passage from the Bible:
Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng dalawang maya? Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ipinapahintulot ng inyong Ama. Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya. (Mateo 10:29-31 ASD)
Nakakagulat ba na ikinumpara ang halaga mo sa isang maya? Doesn’t it seem almost as if we have less value than we thought? But the verse says something even more surprising: na kahit ang isang maya, walang nahuhulog sa lupa na hindi alam ng Panginoon. Ganito pala ang level of detail that God puts into His creation. In our case, sinabi rito na pati ang bilang ng ating mga buhok ay alam Niya. Can you imagine how valuable you are that God pays attention to every strand of your hair?
Let’s pause for a moment and let that sink in. Anong mga detalye ba sa buhay mo ang pakiramdam mo ay walang nakakita? Isipin mo ito ngayon: nakikita at hawak ito ng Panginoon sa Kanyang mga kamay. Hindi ba’t nakakamangha?
Tandaan mo, isa kang miracle!