• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 14, 2025

Think your prayer is too small? Think again,

Publication date Ago 14, 2025

Friend, minsan akala natin ang Panginoon ay para lang sa malaking bagay—na nilalapitan lang natin Siya sa ganitong mga pagkakataon. Siguro naisip mo rin na hingin sa kanya ang pagpapagaling sa mga malulubhang sakit, gaya ng cancer, o mga karamdaman na hindi na kayang pagalingin ng gamot lamang?

When we were practicing praying for the sick, may isang pagkakataon na nadaanan namin ang tatlong college students habang naglalakad kami ng anak ko—6 years old pa lang siya noon—sa loob ng isang campus. Nakaupo sila sa gilid at prang may problema. Nilapitan ko sila at tinanong kung okay lang sila. Doon ko nalaman na sumasakit ang ulo ng isa sa kanila. Pinagdasal namin siya, at habang papaalis na kami, narinig naming nag-uusap sila—at sabi ng may sakit, nawala na raw ang sakit ng ulo niya.

As we continue our series, “Mga Pinagaling ni Jesus,” ang titingnan natin ngayon ay isang halimbawa ng pinagaling ni Jesus na hindi naman ganoon katindi ang sakit: 

Pumunta si Hesus sa bahay ni Pedro. Pagdating doon, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat. Hinawakan siya ni Hesus sa kamay at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinagsilbihan si Hesus. (Mateo 8:14-15 ASD

Nakikita mo ba, Friend? Hindi naman malala ang lagnat di ba? If you had a fever, would you think of asking Jesus for healing? But the good news is, hindi Siya tumatalikod sa akala natin ay maliit lang na paggaling. 

Kaya ito ang challenge namin sa iyo this week, Friend. Let’s practice asking for His help—even for the things we often consider small. Mahalaga ito, dahil gusto ng Diyos na makasama natin Siya sa lahat ng bagay, hindi lang sa malalaki. Ilista mo rin ang mga kahilingan mong ito, at kapag sinagot Niya, add those answers to your list. Pwede mo rin kaming balitaan through email!

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark Cabag
Author

Advocate for fostering and adoption who loves both the mountains and city life!