• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Nob 5, 2026

Think He's Late?

Publication date Nob 5, 2026

Lagi ka bang nagmamadali? Parang kapag nag-order ka ng pagkain, ilang minuto lang, nasa harap mo na. Kapag may gusto kang panoorin, isang click lang. Kapag may gusto kang makausap, message lang, connected ka na agad.

Kaya siguro mas mahirap na rin para sa atin ang maghintay.

Pero… posible kayang marami sa stress at discouragement natin ay dahil hindi pa nangyayari ang gusto natin—not because it won’t happen, but because it hasn’t happened YET?

Sabi nga nila, isang magandang perspective kapag may hinihingi tayo sa Panginoon ay tandaan na minsan, tatlo ang posibleng sagot Niya:

Oo.

Hindi.

Huwag muna.

At sa tatlong ’yan, baka ang pinakamahirap tanggapin ay ang “huwag muna.” Kasi kapag “oo,” alam mong darating. Kapag “hindi,” alam mong kailangan mong tanggapin at magtiwala. Pero kapag “huwag muna,” ang tanong natin, “Kailan, Lord?”

Pero tandaan mo: hindi porke’t hindi pa dumarating, delayed na.

May ginagawa ang Panginoon kahit hindi mo pa nakikita. May tamang panahon para sa lahat, at hindi kailanman late ang timing Niya. Lahat ay nasa perfect timing Niya. Kahit matagal, kung ipinangako ng Panginoon, maghintay ka—dahil siguradong darating ito. (Habakkuk 2:3)

Kaya kung may hinihintay ka ngayon, huwag kang susuko.

Let’s pray:

“Lord, naniniwala akong You will make all things beautiful in Your time (Ecclesiastes 3:11). I trust you. Turuan Mo akong maghintay sa katuparan ng mga pangako Mo. In Jesus’ name, amen.”

Throughout the Bible, we see how He makes everything beautiful in its time. And we believe He can—and will—do the same for you.

Habang naghihintay ka, ano kaya ang gustong ituro sa’yo ng Panginoon sa season na ito?

Tandaan mo, isa kang miracle.   

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.